Mayor Herbert, ‘di kinalimutang isama ang ‘love story’ kina Lea, Ruby at Kris sa sinulat na libro

Ni: Ruel J. Mendoza

MARAMI ang matutuwang basahin ang biographical/coffee book ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na Bistek@50: Life In Full Color.

Sa annual gathering ni Mayor Bistek with the entertainment media, pinagmalaki nito ang natapos na libro na puno ng mga kuwento mula sa kanyang pagiging estudyante sa San Beda College Manila mula elementary hanggang college, ang kanyang pagiging child actor na nagsimula sa programang Kaluskos Musmos sa IBC-13 at ang kanyang pagpasok sa public service mula sa pagiging Kabataang Barangay Chairman hanggang sa pag-upo niya as Mayor of Quezon City.

Kasama rin sa book ang mga personal relationships ni Mayor Bistek, particularly ang kanyang limang anak at ang mga ina nito. Kasama rin ang mga naging “love story” kina Lea Salonga, Ruby Rodriguez at Kris Aquino.

Maraming ding throwback photos na nasa libro kunsaan kasama ni Mayor Bistek ang kanyang pamilya, classmates sa school, mga fans niya, mga co-actors sa TV at pelikula, ang kanyang pangangampanya at ang mga naging projects niya bilang mayor.

Isang magandang basahin sa libro ay ang actual script na ginamit sa ‘Manananggal’ episode ng kauna-unahang Shake, Rattle & Roll movie kunsaan nanalo ng kanyang unang acting award si Mayor Bistek nilang best actor sa 1982 Metro Manila Film Festival.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s