Julia, ‘di naman na-weirduhan na makitang nagbabading-badingan si Joshua

Ni: Ricky Calderon

PURING-PURI ni Julia Barretto ang ka-loveteam na si Joshua Garcia sa pagganap nitong bading sa I Love You, Hater.

Ayon sa young actress, na-pull-off talaga ni Joshua ang role bilang Joko na nagpapanggap na gay at kung bibigyan daw niya ng rating ang aktor sa performance nito, it would be 100/100.

Kwento ni Julia, hindi naman daw siya nanibago or nawirduhan na makitang nagbabading-badingan si Joshua.

In fact, sa first shooting days nga raw ng movie ay talagang hindi niya mapigilang tumawa sa mga eksena nila ni Joshua kaya naman ilang takes sila inaabot.

“Never akong na-weirduhan. ’Yung first shooting days namin, the first few scenes, ang dami naming takes talaga kasi hindi ko napipigilang tumawa. So, nakaka-ilan takes.

“Pero towards the end, parang nasanay na rin ako. Kailangan din, kasi ano, eh, because in the film, I don’t know naman na nagpapanggap siya, eh.

“So, it should be a normal thing, so I had to get used to it. Kasi siyempre, malapit na ang showing, hindi na pwedeng… ilang takes na rin.

“So, it was fun, it was fun to watch,” kwento ni Julia.

julia-joshua-and-kris-1

Inaasahan na magiging matagumpay sa box-office ang I Love, You Hater dahil sa JoshLia tandem. Proven na ang hatak nilang dalawa sa takilya.

Sabi nga ni Kris Aquino, nang malaman niya na JoshLia ang kasama niya sa movie, para na siyang nakasandal sa pader.

Ganoon kalakas ang tiwala ni Kris na magiging blockbuster ang movie dahil sa tulong ng JoshLia tandem.

Pero siyempre nariyan din naman ang loyal supporters ni Kris na tiyak na panonoorin ang pelikula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s