Gabby, umaming nagulat na magiging Duquessa pala sa ‘Contessa’

Ni:  Rose Garcia

KILALA si Gabby Eigenmann bilang isa sa mga mahusay na Kapuso actor.

Kilala rin siya sa mga character roles pero ang maganda sa actor, kahit na sunod-sunod halos na kontrabida roles ang ginagawa niya, nagagawa niya itong magkaroon ng variety.

Tulad sa GMA’s afternoon prime nila ni Glaiza de Castro na Contessa, nababasa namin ang mga tweet patungkol kay Gabby as Duquessa.

Sey nga niya, “Happy naman ako sa reaksiyon nila. May naiinis, may natutuwa. Hindi natatawa ha,” pagtatama niya.

Mahirap daw kasi kung natatawa dahil hindi na katatakutan ang character niya. Oo nga’t bading nga siya sa Contessa bilang si Vito/Duquessa pero not in the sense na talagang makikitaan siya ng traces na bading siya.

glaiza-contessa

Mismong si Gabby raw ay nagulat na magiging Duquessa pala siya.

Sa isang banda, noong ginawa nila ni Glaiza ang Dading, naging very close na sila sa isa’t-isa. Pero walang duda na mas lalong naging close sina Gabby at Glaiza ngayon.

“Oo, okey na okey na okey,” sey niya.

On-cam silang dalawa ang mortal na magka-away. Pero off-cam masasabi na nga sigurong best of friends ang dalawa.

Very compatible sina Gabby at Glaiza as co-stars. In fact, si Gabby mismo ang nagsabi na may mga bagay na siyempre, bilang non-showbiz ang misis niya na si Apples Eigenmann, kahit nagkukuwento siya rito, hindi nito naga-grasp lahat.

Si Glaiza raw pagdating sa mga work related ang natatawagan o nakakausap niya.

Pero on-cam, marami pa raw aabangan sa mga paghaharap nilang dalawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s