Gelli, ayaw i-pressure si Inah na first time makakatrabaho sa pagbabalik-Kapuso

By: Nora V. Calderon

KABABALIK lamang ni Gelli de Belen from Montreal, Canada, matapos nilang mag-attend ng asawang si Ariel Rivera ng high school graduation ng bunso nilang anak si Joaquin. 

Sa Montreal na nag-aral ng high school at college ang panganay nilang si Julio at si Joaquin nga ay nagtapos na rin ng high school doon.

Kaya back to work na si Gelli sa Kapuso Network na ten years din siyang naging actress-host, bago siya lumipat ng network.  Kasama siya sa sinimulan na niyang bagong project sa GMA, ang afternoon prime drama series na Ika-5 Utos.

“I’m glad to be back in GMA, masayang muli kong makasama ang mga nakatrabaho ko na noon,” sabi ni Gelli.

“Nakakatuwa ang muli nilang pagwi-welcome sa akin, I feel at home with everybody, heartwarming ang pagbati nila sa akin sa story conference pa lamang namin.”

Makakasama ni Gelli si Jean Garcia at ang kanyang niece na si Inah de Belen.  First time niyang makakasama si Inah kaya ayaw daw niyang i-pressure ang pamangkin, pero napapanood daw niya ito sa mga unang ginawa nito sa GMA 7 at pasado naman sa kanya ang acting nito.

Mukhang mabigat ang tema ng Ika-5 Utos na sa Holy Bible ay “huwag kang papatay.”

Marami nang naghihintay ng serye dahil ididirek din ito ni Ms. Laurice Guillen na siya ring nagdirek ng long-running afternoon drama series na Ika-6 Na Utos na nagtampok naman kina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.

“Excited na rin akong mapanood ng mga televiewers ang ‘Ika-5 Utos’ dahil sa pilot week pa lamang, mapapanood na ninyo kami ni Jean,” pagtatapos ni Gelli.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s