Music video ni Mikey, naging daan para kuning brand ambassador ng Taiwan

Ni: Kristina Orfiano

EXTENDED! Magandang balita para sa mga Pinoy na gustong makapunta sa Taiwan dahil hanggang July 2019 pa ang visa-free na ino-offer ng kanilang gobyerno.

Simula nang inilabas ang balitang visa-free na ang pagpunta sa naturang bansa ay mas lumakas daw ang kanilang turismo.

Naging word of mouth ang bansang Taiwan dahil mababait at very warm ang mga tao sa mga turista, masarap mag-shopping, maraming lugar na puwedeng mag-shooting at siyempre, masasarap ang mga pagkain.

“Yes! Taiwan is a food destination, mag-e-enjoy ka doon,” bida sa amin ng kaibigan naming si Gabby Wu, isang Taiwanese na nakabase ngayon sa Pilipinas.

Kaya naman isa kami sa mga excited sa balitang maraming packages ang ino-offer ang Taiwan government para sa mga turista at first timer sa kanilang bansa, idagdag mo pa ang paglabas ng video ng YouTube Star na si Mikey Bustos tungkol sa nasabing bansa.

Ang video na “My New Crushie” ay umabot na sa 13,000 views sa loob lang ng isang araw simula ng i-upload niya ito.

Pinanood namin ang nasabing video ng “My New Crushie” at talagang nakaka-engganyong pumunta ng Taiwan dahil gusto naming matikman ang local food nila at ang iba’t ibang klase ng milk tea na sa kanila pala nag-originate.

Ang nasabing music video ni Mikey ang naging daan para kunin siyang brand ambassador ng Taiwan kaya ini-launch ang Fun Taipei 2018 nitong Martes, Hulyo 3 sa Ascott Hotel, Makati City.

Inamin ni Deputy Commissioner of Taipei City’s Department of Information and Tourism Head na si Chen Yu-hsin na si Mikey ang unang foreign celebrity na inimbita nila para maging spokesperson para i-promote ang bansa nila.

Nagpasalamat din si Miss Chen Yu-shin sa mga Pilipinong kasama parati ang Taiwan/Taipei sa kanilang travel destination.

Ayon sa ehekutibo ng Turismo sa nasabing bansa ay umabot sa 290,784 ang nakapunta ng Taiwan simula nu’ng ginawa nilang visa-free program at nag-increase ng 68.59% ito kumpara noong 2016 na nasa 172,475 ang turistang nakapunta sa kanila.

Kaya naman ang Canadian Idol at Philippine pride na si Mikey Bustos ay sobrang saya rin dahil aniya hindi naman daw niya alam na kukunin siyang brand partner ng nasabing bansa.

“Gusto ko lang kasing mag-share ng videos na ginagawa ko, I don’t get paid for it, gusto ko lang gawin mahilig kasi akong pumunta kung saan-saan mostly Asian countries muna at siyempre para tikman ang mga pagkain na sa bansang iyon mo lang makikita.

“One of my favorite country aside from Taiwan and of course Philippines was Palau Island.  Have you been to Palau?  Ang daming Pinoy doon and all the locals also looks like us.  Sabi ko nga, kamukha ko sila,” kuwento ni Mikey.

Hindi naman nagkamali ang DeprAtment of Information and Tourism na kunin si Mikey dahil bukod sa pagiging vlogger/Youtube star at sikat na singer sa Canada ay sumikat din siya rito sa Pilipinas dahil naging parte siya ng gag show na Bubble Gang sa GMA 7 noong 2012.

“Hindi ko po natagalan ang showbiz, hindi ko kaya ang shooting kasi mahabang oras.  I also have my video shoot, so how can I do that at the same time.  I think, showbiz is not for me,” paliwanag ni Mikey.

Mahilig sa morena beauty si Mikey at super crush niya ang singer na si Jona at aktres na si Lovi Poe.

Samantala, noong Hulyo 6 ay nagkaroon ng Fun Taipei promotional event sa Acitivity Center sa Glorietta 2 at kakantahin ni Mikey ang awiting “My New Crushie”.

Kasalukuyang isinasagawa ang Taipei City 2018 Travel Madness Expo sa SMX Convention Center, Pasay City sa simula nitong July 5-8.

At para sa karagdagang impormasyon ay maaring tumawag sa Tourism Development Division, Department of Information and Tourism, Taipei City executive, Ms Yihsuan LEE +886227208889 ext 6902 at Ms Hunglin LIN ext 7562 or B99 Events Management, Vanessa Versoza-09175691363 or email at mvov06@gmail.com.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s