Joyce, ‘di pa siguradong magdi-direk sa ikatlong ‘SONA’ ni Pres. Duterte

Ni: Jimi C. Escala

HINDI pa pala sigurado na si Binibining Joyce Bernal ang magdidirek sa pangatlong SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binanggit sa amin ng nakausap naming isang mambabatas na malapit sa mga taga-Malakanyang.

Ayon pa sa kanya, although may naging usap-usapan na papalitan ni Direk Joyce si Direk Brillante Mendoza na dalawang magkasunod na taong humawak ng SONA ni Pangulong Duterte ay wala pa raw namang direktang makapagsabi na ang una na nga ang napisil ng mga taga Malakanyang.

Pinatotohanan naman ito ng mga naglabasang statement ng Presidential Spokesman ni Pangulong Duterte na si Mr. Harry Roque.

president-rodrigo-duterte

Binanggit ni Spokesperson Roque na hindi pa raw kumpirmado na si Direk Joyce na ang magiging director sa ikatlong State of the Nation Address ng pangulo na gaganapin this coming July 23.

Ayon pa kay Roque na hanggang walang pinipirmahang kontrata sa pamamagitan nina Direk Joyce at ang Malakanyang ay hindi pa raw makumpirma nila na ang kaibigan matalik ni Robin padilla na nga ang hahawak sa SONA ngayong taon.

Dagdag pa rin ni Roque na hindi rin daw niya makumpirma kung libre ang directorial job ni Direk Joyce para sa naturang Sona, huh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s