Grace, pilit pa ring pinagre-react sa pagkaka-link noon kay ex-Pres. Aquino

Ni: Rose Garcia

NAG-TRAVEL at inasikaso raw ng host na si Grace Lee ang mga kumpanyang itinayo sa mga panahong in hiatus siya sa showbiz.

May production company rin si Grace Lee kunsaan, puwede siyang magdala ng mga Korean stars sa bansa o vice-versa.  Gusto ni Grace na maipakilala rin ang Pinoy talents kung paano kilala ang mga Korean stars sa bansa.

Kahit na Korean citizen even by blood, aminado si Grace na Pinoy na Pinoy na talaga siya.

Nakausap namin si Grace dahil isa siya sa mga bagong artist ng VIVA Artist Agency.  Pumirma si Grace sa VIVA bilang talent at bukod sa hosting, newscasting, who knows nga raw, baka ngayon na niya subukan ang pag-arte.  Matagal na raw may mga nagko-convince sa kanya, including Boss Vic del Rosario.

Single pa rin si Grace at natatawa na lang ito dahil pilit pa rin siyang pinagre-react sa pagkaka-ugnay niya noon sa dating Pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino.

Hindi raw talaga nagsalita si Grace noon at aminadong nagtago. That was six years ago at hinihiritan na lang niya ang press na nagtatanong sa kanya na “move-on, move-on din.”

Inaalala na lang ni Grace ang mga moment na yun bilang isang masayang alaala. At siguro raw, kung mas matured siya that time, she could have reacted better of differently.

“Eh siyempre that time, hindi pa ko marunong mag-handle. That was the only time na bigla akong front page ng mga tabloids at pinag-uusapan yung private life ko, not my work.”

Panay ang bilin ni Grace na huwag naman daw ‘yun ang i-highlight ng write-up sa kanya. At pinagdidiinan nga nitong matagal na yun kaya dapat, move-on na sa issue.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s