Alfred, sobrang na-impress sa kahusayan ni Kyline at malayo ang mararating

Ni: Ricky Calderon

MASAYA si Congressman Alfred Vargas dahil maganda ang kanyang performance bilang mambabatas.

Ikalawa, kasama siya sa top-rating GMA show na Kambal, Karibal.    “Maganda ang show at okay na okay ang chemistry namin ng cast. And I am happy na kasali ako sa show. Napakaswerte ko. I feel so blessed,” pahayag ng actor-turned congressman nang makatsika namin over lunch lasty Tuesday sa Café Breton sa UP Technohub.

Impressed din si Alfred sa husay ni Kyline Alcantara, isa sa mga teenstars na bida sa show.

“I think Kyline will make it big,” sabi pa ni Alfred tungkol sa kanyang co-star.

“She is very professional and committed sa trabaho. Malalayo ang mararating niya.”

Kyline Alcantara (1)

Sinabi rin ni Alfred na name-miss niya gumawa ng pelikula. The last film he did was Ang Gurong Hindi Marunong Magbasa na ipinalabas sa Cinemalaya ast year.

“Baka mag-produce uli ako ng pelikula within the year. Hindi ko pa alam kung anong klaseng movie ang gagawin ko pero siguro acting piece na parang ‘Ang Supremo’ pero not that big naman,” pahayag pa ng award-winning actor.

“May mga kasama naman akong magpo-produce. Ini-enjoy ko muna ang ginagawa ko sa showbiz pero gusto ko uli gumawa n movie,” sabi pa niya.

Hindi raw siya nakagawa ng movie for Cinemalaya kasi binigyan niya nang priority ang paglabas sa TV.  Hindi rin naman nila inaasahan na tatagal sa ere ang Kambal, Karibal.

Supposed to be raw ay hanggang February lang ito pero extended na muli hanggang next month.

“Pero na-miss ko talaga ang paggawa ng pelikula. Feeling ko, ‘yun talaga ang passion ko. Kung anuman ang gawin ko na movie, I will make sure na maganda ito.

“Wala pa naman akong project in mind. Titignan ko pa kung anong concept ang ibibigay sa akin. May idea na ako kung sino ang director na gusto ko. Pero definitely, gusto ko maging socially relevant yung film. Gusto ko mayroon itong impact, lalo na sa mga kabataan.”

AV 8

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s