Ex-gf ni Sam na si Mari, open na sa relasyon nila ni Samantha na isang direktor

Ni: Rose Garcia

OPEN na sa mga kaibigan nina Mari Jasmine at ng director na si Samantha Lee ang kanilang relasyon.

Pero dahil pride month ngayon, kasama ang dalawa sa mga naki-celebrate ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at asexual) community.

Shocking pa rin, lalo na sa maraming hindi nakakaalam na into same sex relationship ngayon ang dating girlfriend ni Sam Milby.

Bigla tuloy naming naalala noong ini-interview namin si Sam at hindi siya masyadong makapag-kuwento kung bakit nauwi sila sa break-up.

Si Samantha Lee naman ang director ng indie movie na Baka Bukas.

Sam-Milby & mari

Pareho naming tiningnan ang mga Instagram accounts nina Mari at Samantha at pareho silang proud na proud sa kanilang relasyon.     Masayang-masaya rin sila, lalo na si Mari na noon pa raw pinapangarap na maipakita niya na ka-holding hands kahit sa publiko ang karelasyon niya.

Bahagi ng caption ni Mari sa kanyang IG account, “My dream is to live in a world where I feel safe walking down the street holding my girlfriend’s hand.  A world where I have the same fundamental human rights that I would be entitled to if I were in straight, heteronormative relationship.”

Suportado naman agad ng ilang celebrities ang relasyon ng dalawa. Nag-comment ang misis ni Jericho Rosales.  Sey niya, “Go girl.”  Si Bianca Gonzales naman, “My heart!” At si Iza Calzado ng “kilig” sa IG post nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s