Promotion ng ‘Fun Taipei 2018’, timing sa pagpapalabas ng bagong ‘Meteor Garden’

Ni: Rose Garcia

BONGGA ang dating komedyante at ngayon ay kilalang YouTuber na si Mikey Bustos.
Siya ang tinap ng Taipei Tourism para sa music video ng Fun Taipei 2018 na may title na My New Crushie.

Nag-perform din si Mikey sa harapan ng press at select travel agents sa ginanap na press launch.

Ipinakita rin dito ang ilang Taiwanese food na puwedeng i-look forward pagpunta sa naturang bansa. Visa free na ang Taiwan kaya mas maraming Filipino ang nagtu-tour dito.

fun taipei m

Ikalawang beses na raw ni Mikey na pumunta sa Taipei at yung una ang talagang nakapasyal siya dahil yung ikalawang beses ay nag-shoot nga siya ng MTV.
Ipinagmamalaki nito na bukod sa kilalang Taipei 101, napakarami pang mapapasyalan sa Taipei.

Can relate naman kami kay Mikey dahil nakapunta na kami ng Taiwan and as far as Chiayi dahil sinadya namin ang university kunsaan ay nag-taping ang pinaka-famous series nila na Meteor Garden.

Timing ang promotion ng Fun Taipei 2018 dahil mas mabubuhay pa ang kuryosidad, hindi lang ng mga Pinoy kundi maging ibang neighboring Asian countries dahil simula sa Lunes, ipalalabas na ang bagong Meteor Garden na totally iba na ang cast, pero same story pa rin daw.

At para mas marami pang malaman sa Taipei, magkakaroon ng event sa Glorietta 2 sa July 6 at magpi-perform din dito si Mikey at may chance pang manalo ng ilang prizes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s