Jean at Valerie, may matinding fight scene sa ‘Ika-5 Utos’ at parang nakalimot sa kanilang sarili

Ni: Ruel J. Mendoza

DAHIL sa parehong magagaling na kontrabida sina Jean Garcia at Valerie Concepcion, hindi daw naiwasan ng dalawa na maging makatotohanan ang catfight nila sa upcoming teleserye na Ika-5 Utos sa GMA-7.

Ayon kay Valerie, matinding fight scene daw ang ginawa nila ni Jean at parang nakalimot sila sa kanilang sarili.

“Diyos ko, napakarami! First week pa lang ng taping namin sabi ko sa handler ko ‘Ate, insured ba ako dito?’ Kasi andami kong pasa-pasa, may bukol ako.

“Andami talaga lalo na kapag ‘yung emotions mo feel na feel mo, hindi mo mapigilan na magkasugatan ng kahit paano ‘di ba? ‘Yung sa sabunutan makikita mo na lang sa floor ang daming buhok!”

Valerie Concepcion

Pero professional daw sila ni Jean at bago sila kunan ng fight scene, nag-uusap muna sila para ma-assure nila ang isa’t isa na trabaho lang ang lahat kung sakaling magkasakitan sila ng totohanan.

“Si Ate Jean din naman, we always ask each other after the scene na ‘Are you okay? Pasensya na.’

“So medyo comfortable na at walang hard feelings talaga.

“Alam namin na it’s part of the job pero just to be sure na hindi ka maka-offend, courtesy na mag-uusap kayo after,” sey ni Valerie.

Inamin ng aktres na may takot siya kay Jean, pero mas malaki raw ang takot niya sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.

“Nung una natatakot ako with Jean Garcia pero siyempre mas takot ako kay Direk Laurice Guillen kasi sabi niya ‘Valerie, bakit ka nagho-hold back?’

“Simula noon, nilagay ko ‘yon sa isip ko na okay, hindi pwede mag-hold back magagalit si Direk. ‘Yun ‘yung motivation ko.”

Jean Garcia

Being a professional actress, alam ni Jean ang mga dapat maiwasan kapag may matinding fight scene.

“Siyempre kung sa totoong buhay talagang magkakasakitan kayo, pero kami naman dahil mga artista naman kami, alalay lang.

“May totoo like ‘yung mga sampal totoo, ‘yung sabunot sometimes napapatotoo pero may alalay nang konti.

“Hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi namin nai-block.

“Kasi minsan ‘yung iba lumalampas doon sa hindi naman ‘yun ‘yung na-blocking or hindi naman ‘yun ‘yung napag-usapan ‘nung rehearsal kaya nagkakaroon ng sakitan.

“Kung ano ‘yung gusto ni direk, ayon ‘yung susundin ko. I’m very sensitive sa ganoon kasi ayoko rin makasakit ng artista,” pagtapos pa ni Jean Garcia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s