Christian, ‘di ini-expect na magiging stressful ang pagpaplano ng wedding nila ni Kat

By: Ruel J. Mendoza

HAPPY na nag-share si Christian Bautista ng ilang detalye ng magiging wedding nila ng fiancée niyang si Kat Ramnani.

‘Yun nga lang ay wala pa siyang mabigay na exact month dahil may mga hinihintay pa raw sila na confirmation regarding sa venue.

“Magkakaroon pa kami ng pirmahan with this certain venue. Hinihintay lang namin ‘yung confirmation from them. Until we signed that contract with them, wala pang confirmed na wedding date kung November ba o December.

“But hopefully, we can get that venue. It happens kasi na minsan nagkakaroon ng problema and we want to be sure na doon na kami,” ngiti pa ni Christian.

Nakikipagtulungan si Christian at Kat sa kanilang wedding planner para sa pag-ayos ng wedding nila. Hindi raw ini-expect ng singer-actor na magiging stressful ang pagpaplano ng wedding.

“I’m ready to get married, but I wasn’t prepared with all the planning!

“Hindi ko alam na ganito pala ka-stressful. I mean, ‘yung pinag-usapan na ninyo, biglang maiiba ulit. Never-ending ang lahat. Yung tipong padagdag nang padagdag.

“But it’s all a part of being involve sa process. Nakakapag-adjust na ako. Hindi pa naman umaabot sa point na nagkakapikunan na kami ni Kat. We’re both calm with everything and we want to do this. This is our wedding and we want the best kasi minsan lang ito mangyayari sa buhay namin,” diin pa niya.

Christian Bautista

Ang gagawa raw ng wedding gown ni Kat at ng kanyang suit ay si Francis Libiran. Ang color motif daw nila off-white and ecru.

Inaayos na raw nila ang list para sa wedding entourage. Kaya kinukumpleto na raw nila ang mga magiging wedding sponsors nila pati na ang bridesmaids at groomsmen.

“We need to finalize ‘yung ilalagay sa wedding invitations. Kaya we’re very focus on that. Inaalam din kasi namin kung available ba sila sa ganitong date. It’s a long process but we will be able to do it,” paniguro pa ni Christian.

Thankful nga ang singer dahil bago siya ikasal ay may show pa siyang gagawin at ito ay ang The Clash sa GMA-7. Isa si Christian na uupo na judge with Regine Velasquez-Alcasid (as main host), Lani Misalucha and Ai-Ai delas Alas.

“I am happy to part of this show. I really need this kasi I will be paying for the wedding! So, salamat GMA-7!” malakas na tawa pa ni Christian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s