Sharon, mas may ‘K’ na tumakbong Mayor dahil mas kilala at puwedeng manalo

By: Rohn Romulo

SINAMAHAN ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang kapatid na si Chet Cuneta sa pagpa-file ng Certificate of Candidacy sa Comelec noong Lunes nang umaga.

Matagal-tagal na rin naman nawala si ex-Mayor Pablo Cuneta sa Pasay City na matagal ding nanungkulan at ngayon ang anak naman niyang si Chet ang susubok na maging Mayor ng naturang lungsod.

Sa Instagram post ni Sharon sinabi nito na, “This morning, I proudly accompanied my brother Chet as he registered at the Comelec. It took us many, many heart-to-heart talks throughout some time to finally come to this decision.

“And we made sure that when we came to it, it was with all our hearts and souls. Only with the spirit to serve honestly and with our father Pablo’s legacy in mind. Cesar ‘Chet’ Cuneta is running for Mayor of Pasay City.

“I pray that if you are living in Pasay and reading this, I pray that God touch your heart and support him in these coming elections.

“I will be 110% behind him, beside him. He is giving up his 32 years of his career as a hard-working pilot to serve the people of Pasay City.  He will make sure na ang lahat ng kikitain ng Pasay ay mapupunta sa pagpaganda, pagpapaunlad ng Pasay, at sa mga TAO NG PASAY.

“AKO MISMO AY KASAMA NIYANG MAGBABANTAY. God bless you all and thanks so much! We love you. Kuya Chet & Sharon.”

Chet-Cuneta-Sharon-Cuneta

Dahil sa post na ito ni Sharon, ang dami na namang nag-react at karamihan pa ay mga nega at kung anu-ano pang hindi magagandang salita ang isiniwalat ng netizens na masyadong against sa muling pagtakbo ng isang Cuneta sa Pasay City.

May nagsabi pa mas may ‘K’ daw si Sharon tumakbong Mayor dahil siya ang mas kilala at pupuwedeng manalo.

Well, abangan na lang natin kung ano kahihinatnan ng pagpasok sa pulitika nang nakakatandang kapatid na si Chet.

Samantala, dumalo si Sharon sa birthday celebration ni Ciara Sotto na tinuturing din niyang kapatid ang anak ng kanyang Senador Tito Sotto.

Hindi nga napigilan ni Mega ang kanyang pagkagigil kay Baby Tali, na first time pa lang nakita ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. 

Sa instagram post ni Sharon, “My gaaaaad! Saw baby Tali Luna Sotto for the first time today and now am so crazy about her!!! Not just super cute but ang bait na bata!!! Quiet lang siya!!! I love you, Tali!!! I am sad that we couldn’t kidnap you! Hahaha @pauleenlunasotto”

Pauleen-Luna-Baby Tali

Dahil sa Instagram post nga ni Sharon na sinabi niyang gustong kidnapin si Baby Tali ngunit nakakalungkot siya at hindi niya ito pwedeng gawin.

Nakakatuwa naman ang mga naging sagot ng mga netizens. “Hahahahaha… kidnap talaga mama… lagot ka po kay vic sotto nyan!!”

“kami nlang ang kidnapin nyo pangako di ka mhihirapan di kami manlalaban! Hahaha.”     

“Hahahaha sabihin mo lang mama @reallysharon cuneta kung kailan mo kami kikidnapin. Aba wala pang isang segundo nasa kamay niyo na kami! Hahahaha”

Hindi nga makapaniwala si Pauleen na mabilis na lumipas ang mga araw dahil six months na pala si Baby Tali na ipinanganak niya noong Nobyembre 2017.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s