Kris, sinagot ang nakakalokang tanong tungkol kay James at wala silang babalikan ni Mayor Herbert

By:  Rohn Romulo

SA pagpasok ng unang araw ng Hulyo, nag-post si Kris Aquino na “Let’s have an IG Q&A? I’ll entertain your questions & answer as honestly as i possibly can from 4-5 PM.  Please like this post & let’s start talking.”

Marami nga ang nag-like nang naturang post ni Kris, kasama ang kanyang celebrity friends.

May nagtanong kung may chance pa na magkabalikan sila nila ni Mayor Herbert Bautista?

herbert kris

Mabilis namang sinagot ito ni Kris na, “i don’t think we ever really began – walang babalikan… if the question was kung gugustuhin kong to meet HB all over again NOW – then the answer would be a YES.”

Isa sa nagtanong kay Kris, kung may time daw na nag-wish siya na pinatawad lang niya si James Yap, para buo pa rin ang kanilang pamilya.

Sagot niya Kris, “what matters most is that we loved at all” – kaya nga may Bimb.”

May ikinaloka naman ang netizens sa walang takot na nagtanong na, “Miss Kris, daks ba si James?”

Kasunod ng question na, “Hahaha jokeee love u krissy and josh and bimb.”

At dahil nga sa promise ni Kris na sasagutin niya ang lahat ng tanong, nag-reply ito na, “maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

james & partner

Sinagot din ni Kris ang tanong kung friends pa sila ni Boy Abunda, at yes ang tugon niya.

At “i hope so” naman ang sinabi niya kung magkaibigan pa sila ni Vice Ganda.

Wala rin silang relasyong romantiko nang nali-link na si Atty. Gideon Peña, magkaibigan lang daw talaga sila.

At dahil sa nakakatuwa at nakakaaliw na IG Q&A paandar ng Queen of All Media, marami talaga ang nagwi-wish na magbalik talk show na siya na tulad ng Kris TV.

May nag-suggest naman ng puwede rin gawin ni Kris sa Youtube o Facebook Live.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s