John Lloyd, super react na naman sa ‘fake news’ na nanganak na si Ellen at bininyagan na sa ospital

By: Rose Garcia

SA kabila ng mga balitang nanganak na si Ellen Adarna sa isang hospital sa Cebu at diumano’y napaka-higpit ng mga bantay para sa puwede lang bumisita, wala pa rin kahit anumang kumpirmasyon mula kina Ellen at John Lloyd Cruz sa bagay na ito.

May balita ngang lalaki raw ang baby nila at guwapo.

Sa halip na pag-amin o picture halimbawa ng baby ang makita sa post ni John Lloyd sa kanyang Instagram account, isang pagtanggi sa lumabas sa preen.net, sister company ng Inquirer.net na naka-headline ang “Ellen Adarna got her son baptized and the hospital security was extra tight.”

john lloyd2

Pinost ni John Lloyd ang mismong page na lumabas ito at saka nag-caption nang, “FUCK FAKE NEWS” at saka naka-tag ang inquirer.net at preen.net.

Komento naman ng isang showbiz insider, bakit daw kapag fake news o mali ang nabalita kina John Lloyd at Ellen, mabilis na mag-post si John Lloyd sa Instagram nito at madalas ay galit.

Isa rin sa naalala nila nang mag-react si John Lloyd nang ibalita ng manager/columnist na si Lolit Solis na kesyo ikakasal na sila.

Anyway, kahit na siguro sa panahong ito, marami ang hindi na talaga maunawaan ang actor at ibang-iba na sa kung ano ang ipinapakita niya dati bilang isang artista, bilang isang ama na ngayon ay masaya kami para kay John Lloyd.

Kilala namin ito bilang isang mabuting anak, kapatid at tiyuhin sa mga pamamgkin niya kaya siguradong mas higit pa ngayong daddy na nga siya at may sarili ng anak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s