‘Victor Magtanggol’ ni Alden, inireklamo ng isang fan dahil sa panggagaya sa ‘Thor’ ng Marvel

Ni: Nora V. Calderon

LAST Thursday, inilabas na ng GMA Network ang buong costume ni Alden Richards para sa kanyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Natuwa ang mga fans at pinuri ang costume, at may nag-comment na para raw palang si Thor si Alden.

Kaya nang araw ding iyon kumalat agad sa social media ang sulat ng isang fan sa Marvel, laban sa GMA at sa Victor Magtanggol.

“Marvel, I just want to let you know that one of the major TV network (GMA Network) in the Philippines copies the story and concept of Thor.  I want you to file a case against GMA Network.  The title of GMA Network upcoming series is Victor Magtanggol.

“Do some actions right now and consult your lawyers about it.  Copyright is a form of intellectual property, your property stolen by GMA Network.”

thor

Pero mukhang mali ang nasulatan ng kung sino mang fan na ito dahil sinagot siya agad ng Marvel PH.

Part ng sagot ng Marvel PH: “We’d like to reiterate and emphasized that our page is NOT owned NOR affiliated with Marvel, its entertainment division, and the like. 

“The page was created to build an avenue for Filipino Marvel fans to interact with each other.  The page is also NON-PROFIT – and we’d like to keep it that way. Forever.

In line with this, we are NOT suing anyone, and we have no future intentions to do so.  This is FAKE NEWS.”

Sa aming pagtatanong kung may kasalanan ngang ginawa ang GMA Network, ang Thor daw is a public domain kaya walang problema, hindi na nila kailangang humingi ng permission.

Ganyan din daw ang ginawa ng mga nag-question sa GMA nang gawin nila ang Alyas Robin Hood na isinumbong sila sa Arrow, pero iyon din, ang Robin Hood is a public domain kaya walang napala ang nag-question sa kanila.

Kaya sa susunod, mag-isip munang mabuti bago kayo magsumbong!

alden-vm

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s