Joem, tinanggap ang mapangahas na role na ikababaliw ng mga manonood

Ni: Ricky Calderon

AMINADO si Joem Bascon that he is not getting any younger.

Kaya naman sa tingin it’s about time he does something daring sa kanyang career.

Kaya sa latest movie na Double Twisting Double Back, entry sa Cinema One Originals Film FestivaL sa Oktubre, isang mapangahas na role ang kanyang tinanggap bilang best friend ni Tony Labrusca, ang Boyband.Ph finalist who is being launched as a star.

Sa kanyang papel sa movie, kailangan gawin ni Joem ang isang “matinding” eksena na tiyak na ikababaliw ng mga manonood.   Importante kasi sa nasabing eksena ang pagpapakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

“When I accepted this project, alam ko naman ang tungkol sa daring scene na iyon at wala naman akong second thoughts sa pagtanggap ng role. And I am willing to do the scene.   “Promise ko kay Shandii Bacolod (our producer) na wala siyang aalalahanin sa akin pagdating sa  bagay na iyon,” wika ni Joem nang makausap namin sa set ng Double Twisting Double Back.

Tony-Labrusca2.jpg

Bukod sa nasabing erotic scene na willing siyang gawin, nagpa-tattoo pa siya para mas mukha siyang menacing ang dating.

At dumarating siya in the set na in character kaya tuloy walang member ng staff na makalapit sa kanya dahil mainit ang kanyang ulo at nagmumura siya sa set.

“Part ‘yun ng immersion ko sa role ko,” paliwanag naman ng actor.

No wonder, impressed sa kanya si Tony Labrusca who said na hopefully ay maging kasinghusay din siya ni Joem sa tamang panahon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s