Regine, ‘di madaling ma-impress at choosy naman sina Lani at Christian ayon kay Ai Ai

By:  Ruel J. Mendoza

EXCITED na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pagsisimula ng GMA singing competition na The Clash.

Sa mga napuntahan niyang audition sa iba’t ibang lugar sa bansa, sinabi ni Regine na marami siyang nakikitang may mga potensyal na maging susunod na singing sensation.

“We’re also expecting talaga na maraming magaling, nasa Pilipinas tayo eh.

“We start na parang mga sixty sila karami, then igru-grupo sila. So, may mga night na makikita n’yo na group sila. So, maglalaban laban as a group sila.

“Then eventually nagwa-one-on-one. ‘Yun ang pinaka-exciting  para sa akin, ‘yung puwede kang pumili ng kalaban mo,” sey ni Regine.

Dapat daw abangan sa The Clash ang mga back story ng bawa’t contestant. Nandun daw ang puso ng show sa mga tunay na buhay na kuwento.

“Very interesting sa akin ‘yung mga istorya ng buhay nila, eh.

“A lot of them, halos kapareho rin ng istorya ko na from a poor family, that’s why they want to help their families.

“That’s why they’re using their God-given talent. So, it’s very inspiring actually.

“Umikot ako para sa auditions, pero hindi ko talaga sila individually nakita, until nag-taping na kami.

“Tapos doon ko nakita ‘yung mga istorya nila, kung bakit sila sumali, kung ano ang motivation nila for joining.

“I was pleasantly surprised [sa batch na ito.] Parang ‘yung promising parang puwede pa i-improve, parang ganun ‘yung dating sa akin. ‘Yung magaling, magaling na talaga. So, very exciting,” ngiti pa ni Regine.

***

MARUNONG kumilatis ng talent ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas, kaya malaking tulong siya bilang isa sa mga judges ng The Clash.

Gusto ni Ai na sa umpisa pa lang ay may panggulat na agad yung contestant para maalala nila ito at maging interesado sila sa ano pa ang puwedeng ma-offer nito.

“Dapat may gulat factor agad. Ipakita mo na yung puwede mong magawa to impress us.

“Hindi madaling ma-impress si Songbird (Regine Velasquez-Alcasid) huh!

“Lalo namang choosy si Lani Misalucha at Christian Bautista.

“Ako lang yata madaling pakiusapan sa apat!” malakas na tawa pa niya.

“Importante ‘yung sa unang bagsak pa lang, masasabi namin na ‘Ay, ito na yun. May laban ito!”’

Importante rin na ma-feel nila ang personalidad ng contestants.

“Big personality agad. Nandyan na ang talent, yung maayos kang tingnan at yung makikita namin sa yo on stage. Kailangan maramdaman namin  na ikaw yung karapat-dapat na magpatuloy at manalo sa The Clash,” pagtatapos pa ni Ai-Ai.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s