Costume ni Alden na gawang Pinoy, may nangba-bash at ‘di nagandahan

Ni: Rose Garcia

ISYU pala sa iba ang costume ni Alden Richards sa bago niyang primetime series na Victor Magtanggol.

Meron daw mga nangba-bash at hindi nagagandahan sa costume na gawang Pinoy talaga.

Eh, kailan ba naman na-satisfy at na-please ang lahat sa kahit anong bagay?

alden-vm

Given naman na may pipintas, ‘yung iba, mayma-mema lang o may ma-kuda lang. Yung iba naman, para lang maka-hanash.

Pero nagbasa naman kami ng mga comments, halos karamihan nagagandahan.

Iisa halos ang lahat ng comments, “Ang pogi ni Alden sa costume!” at “Ang hot ni Alden!”

At sa ingay na ito tungkol sa bagong serye ni Alden hindi pa man inaanunsiyo kung kailan talaga ang pilot, isa lang ang masasabi namin, naku, panoorin niyo dahil du’n mari-reveal kung bakit nag-come-up sa ipinakitang costume ni Alden as Victor Magtanggol ang production. Malaki ang kinalaman nito sa kuwento.

alden-single

Pero bago ang V.M., eh heto at sunod-sunod ang pasabog ni Alden. Ngayong Linggo, iri-release na pala ang bago niyang single, ang “I Will Be Here.”

May hugot daw si Alden sa kanta at through this revival song, gusto raw ng actor/singer na mapasaya ang mga taong nangangailangan o may pinagdadaanan.

Maaari na rin ma-download sa mga digital stores at mapanood sa YouTube channel ng GMA Records ang music video.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s