Comeback drama ng ‘South Korean Triple Threat Star’ na si Lee Seung Gi, mapapanood na sa ABS-CBN

Ni: Rose Garcia

FINALLY, ipalalabas na ang Hwayugi (A Korean Odyssey) sa ABS-CBN primetime bida simula sa Lunes, July 9.

Ito ang South Korean drama na papalit sa maiiwang time-slot ng Doctor Crush.

Itinuturing na biggest romantic fantasy adventure Korean series ang Hwayugi ng 2018 at siyang offering ng ABS-CBN sa kanilang ika-15 taong paghahatid ng mga Asianovelas sa bansa.

Ang Hwayugi ay ang naging comeback drama ng South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi pagkalabas niya noong October 31 bilang Special Forces sa kanyang mandatory military service.

lee sungji

Nagsimula itong umere noong December 23, 2017 tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa tvN at nag-finale episode noong March 4, 2018.

Nabili ng Netflix ang rights ng Hwayugi kaya ang legal English subbed ng serye ay napapanood isang Linggo pagkatapos ang airing.  Balitang bilyon ang pagkakabili ng Netflix dito.

During it’s airing, dalawang controversy ang kinasangkutan ng serye, dahilan kung bakit nagkaroon ng one week delay sa airing, pero naayos din lahat at maituturing na isa ang Hwayugi sa highest rating among cable shown drama.

Ang Hwayugi rin ay naging popular hindi lang sa South Korea kung hindi maging sa iba’t-ibang bansa.

Ang Hwayugi ay isinulat ng Hong sisters na siyang nagsulat din ng isa sa mga unang successful drama ni Lee Seung Gi, ang My Girlfriend is a Gumiho at base sa Chinese novel na New Journey to the West. 

Tatlo ang tumayong directors ng Hwayugi, sina Park Hong-kyun, Kim Jung-hyung at Kim Byung-soo.

Napanood na namin ng dalawang beses ang English subbed ng Hwayugi at kahit unang beses pa lang namin itong napanood, sigurado na kaming maraming Pinoy at K-drama addict ang mahu-hook sa kuwento, lalo na kay Seung Gi bilang si Son-Oh-Gong, The Great Sage Equal to Heaven.

Marami sa mga fans ni Seung Gi ay masaya na muli nga siyang mapapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng limang taon.

Ang huli pa niya ay ang naging highest-rating afternoon K-drama nang ipalabas ito ng ABS-CBN noong 2013 na Gu Family Book.

lee sungji-1

Ang Hwayugi ay kuwento nina Son Oh-Gong at Ma- Wang (Cha Seung-won) na mga immortal at pinarusahan kaya nasa mundo.

Tiyak na marami ang maaaliw sa “bromance” ng dalawa. At sigurado rin na marami ang kikiligin at magsi-ship kina SeungGi at Oh Yeon Seo na si Yuri sa Tagalog dubbed.

Malaki ang gagampanang papel sa isa’t-isa sina Son Oh-Gong at Yuri na dahil sa kontrata nila sa isa’t-isa, 25 years ago, kailangang protektahan ni Son Oh-Gong si Yuri anuman ang mangyari.

Halos lahat din sa cast ay magagaling at siguradong kagigiliwan ng mga manonood na Kapamilya.    Bukod kina Lee Seung Gi, Cha Seung-Won, Oh Yeon Seo, kasama rin sa cast sina Lee Hong Ki, Lee Se-young, Lee Eel at Yoon Bo-Ra.

At kung meron man isang Korean drama na hindi dapat palagpasin ngayong nasa Kapamilya primetime bida na, ginagarantiya naming ang Hwayugi na ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s