Marian, mas gusto na boy naman ang maging anak nila ni Dingdong dahil may Zia na

By:  Rose Garcia

SOSYAL-SOSYALAN ang peg ng event ng Hana Shampoo sa Manila House Private Members Club, BGC kunsaan, bukod sa napakagandang endorser nito na si Marian Rivera, pa-wine-wine naman ang ilang models at lifestyle bloggers.

Dumating din ang socialite na si  Tessa Prieto-Valdes na hindi yata napigilan ang sarili, umakyat sa stage at nagtanong kay Marian.

Gandang-ganda ito kay Marian na siyang totoo naman talaga. Sabi pa ni Tessa na nagpa-picture kay Marian, dumarami raw ang likes niya kapag kasama si Marian.

Apat na taon ng endorser si Marian ng Hana at siya ang una at nag-iisang artistang endorser. Ini-launch nga sa naging event ang mga bagong variants ng Hana na sey ni Marian, isa sa sikreto niya kung bakit nananatili siyang fresh all day.

Happy kami para kay Marian na obviously, may magandang relasyon sa mga ine-endorso niyang produkto. Halos lahat ng endorsements niya, hindi na siya binibitawan at taon ang binibilang ng pagiging endorser/ambassador niya.

At may mga bago pa siyang ilo-launch na bagong endorsements this year ha!

Anyway, inamin naman ni Marian at hindi itinatanggi na “working on it” na nga raw sila ng Mister na si Dingdong Dantes para sa kanilang second baby.

marian_dong

Nang tanungin ito kung girl or boy ba ang gusto niyang maging anak, “Kahit ano naman basta healthy. Pero siyempre, kung talagang puwede, maganda rin na boy sana kasi, may Zia na. Pero honestly, kahit boy or girl, okey sa amin.”

At dahil nga hindi sila puwedeng magsabay talaga ni Dingdong na bisi-bisihan sa taping ng serye, maunna muna si Dingdong na magsimula ng bago nitong primetime series.

After raw siya. Pero siyempre, nandun pa rin yun kung along the way, mabibigyan sila ng bagong baby, wala rin daw magiging problema.

As for her, “family first” ang talagang pinaka-priority niya raw.

zia-dantes-001

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s