Lani, excited sa pagbabalik-Kapuso at pagiging hurado sa ‘The Clash’

By: Ricky Calderon

BALIK Kapuso si Lani Misalucha bilang isa sa mga hurado ng The Clash, ang bagong talent show ng GMA 7.

Excited si Lani sa kanyang pagbabalik sa Kapuso channel at sa muli nilang pagtratrabaho ni Regine Velasquez-Alcasid. The last time they worked together ay sa defunct show na SOP many years ago.

Wala naman daw siyang kontrata sa anumang network and she is very thankful sa GMA dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng The Clash bilang member of the jury.

Lani Misalucha

“Kahit na based na talaga ako sa US ay binigyan pa rin ako ng chance ng GMA to be part of this new program. Ito na bale ang pinakamatagal kong pag-stay sa Pilipinas since we migrated abroad.

“I will be in town until the duration of the show and the grand finals to be held in September.”

Ma-miss nga lang daw niya ang kanyang mga apo. Lani said she has 4 grandchildren sa kanyang dalawang anak.

Nang tanungin kung ano ang maibibigay niyang advice sa mga contestants ng The Clash, “They should sing from the heart. Kailangan din na they choose the right song. Importante yun kasi it’s crucial sa isang contest like this. Kailangan tama ang piliin mong kanta and sing it well,” wika pa ng singer na tinaguriang Asia’s Nightingale.

Si Regine ang host the The Clash at ang ibang member ng jury ay sina Christian Bautista at Ms. Ai Ai delas Alas.

Kasali sa show sina Joyce Pring at Andre Paras.

It will start airing on July 7, every Saturday and Sunday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s