John Lloyd, may tsikang nagpaparamdam na gusto nang bumalik sa Kapamilya network

Ni: Jimi C. Escala

MAY natanggap kaming balita na nagpaparamdam daw ang aktor na si John Lloyd Cruz na balikan ang iniwan na lang basta-bastang trabaho sa Kapamilya network.
Ayon pa sa kausap namin ay nagpapahiwatig daw ang actor na balikan ang showbiz career.

Dagdag pa ng kausap namin ay tinawagan daw ng kampo ni John Lloyd ang mismong head ng Star Magic na si Direk Johnny Manahan at binanggit daw ng aktor na bigyan siya ng project, huh!

Pero ayon pa sa source namin ay may mga executive daw ng Dos na hayagang tumutol na tanggapin agad agad ang isang John Lloyd Cruz. Although, naniniwala raw ng mga ito na may “magic” pa rin pero nais daw ng mga ito na bigyan ng leksiyon ang aktor.
Kumbaga, kailangan daw na turuan muna ng leksiyon si Lloydie sa ginawa ng aktor na tinalikuran na lang bigla ang sitcom nila ni Toni Gonzaga dahil sa pagmamahal nito kay Ellen Adarna.

john-lloyd-ellen

“Baka naman naramdaman na ni John Lloyd Cruz na medyo kinapos na siya kaya kailangan na niya ang ABS-CBN,” sey pa ng source namin.

Dagdag pa rin ng kausap naming Kapamilya insider na nakarating na rin naman daw sa kanila na medyo may problema na raw sa pinansiyal si John Lloyd.

Bukod daw kasi sa kakaibang lifestyle nila ng karelasyon ay may isang malapit na kamag-anak daw ang binanggit na aktor na umaasa sa suporta ni Lloydie dahil sa kakaibang karamdaman nito.

Pero lahad pa rin naman ng kausap namin na kung merong mga executives na against ay meron din namang nagsasabing dapat daw na tanggapin muli ng network ang hindi naman kaila sa lahat na kahit papaano ay nag-akyat din ng malaking pera sa Kapamilya network.

At ang latest na narinig namin ay malaki raw ang posibilidad na babalik si John Lloyd sa Home Sweetie Home, huh!

home-sweetie-home-john-lloyd-cruz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s