Glaiza, mas hirap sa ‘Contessa’ kumpara sa ginampanan sa ‘Encantadia’

By:  Rose Garcia

AMINADO ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na mas hirap siya ngayon sa afternoon prime niyang Contessa kumpara nang gampanan niya si Pirena ng Encantadia.

“Akala ko talaga, napakahirap na ng Enca, pero hindi, mas ito ngayon. Kasi sa Enca, marami kami run, so hindi ako palagi. Pero dito, talagang halos lahat.  Mahirap siya, nakakapagod talaga.”

glaiza-pirena

May mga pagkakataon din daw na hindi na niya nakikita ang pamilya niya dahil inuumaga sila sa taping. Wala naman daw may kasalanan dahil recently nga naman, ulan ng ulan kaya naaantala ang taping nila.

Eh, bukod sa Contessa, tinatapos pang i-shoot ni Glaiza ang indie movie na Liway na magiging entry niya sa Cinemalaya.

Sulit naman ang pagod at puyat ni Glaiza dahil ang daming nagre-rave sa Contessa.  Nababasa namin ang mga comments ng netizen at halos lahat, puring-puri ang acting nila ni Gabby Eigenmann na gumaganap naman bilang si Duquessa.  At the same time, awang-awa sa kanya.

Pangalawang pagsasama na nina Glaiza at Gabby na kunsaan, parehong bading ang character ng huli, pero ang kaibahan lang ngayon, mortal na magka-away sila at seryoso ang mga characters nila.

glaiza gabby

Sabi ni Glaiza on Gabby, “Gusto ko siyang ka-eksena palagi! Ha ha ha!

“Ako talaga, nagpapasalamat talaga ko na kasama ko si Gabby rito. Iniisip ko nga rin kung bakit ako kumportable sa kanya. 

“Siguro dahil sobrang open niya at tagal na rin niya rito sa industry. Parang nakikita ko siya as confidant.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s