Vilma, itinanggi na may natanggap nang offer para makasama si Alden

Ni: Jimi C. Escala

MARIING itinanggi ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang nakarating sa amin na kesyo may offer daw sa kanya ang isang malaking produksiyon na pagsamahin silang dalawa ni Alden Richards sa pelikula.

Ayon pa kay Ate Vi ay may naglatag lang daw sa kanya na isang konsepto na kung saan posibleng pagsamahin silang dalawa ng pambatong actor ng Kapuso network. Pero dagdag paglilinaw pa agad ng Star for All Seasons na wala pang pormal na offer.

“No, wala Jimi!!! May naglatag lang ng story. Yun lang, nothing is final,” mensahe pa ng incumbent Congresswoman ng Batangas.

alden r3

Dagdag pa rin naman ni Ate Vi na wala pa rin naman daw siyang ibinigay na commitment dahil sa ngayon ay nakatutok pa rin at mas binigyan pa rin niya ng prayoridad ang pagiging mambabatas.

Kumbaga, kung magkatuluyan daw sila at magkasundo ay maaring gagawin niya pero kung hindi maaring sa susunod na mga pagkakataon na ang inaaasam-asam rin naman daw ni Ate Vi na makasama sa isang project ang isang Alden Richards, huh!

Pero knowing Ate Vi basta ba gusto niya ang isang project ay madali pwede rin naman siyang makagawa ng paraan. Medyo matagal-tagal na rin kasi siya na napanood ng lahat sa pelikula kaya sabik na sabik na rin naman ang mga Vilmanians.

Request pa ng mga ito na sana raw makagawa na rin si Ate Vi ng isang Maalaala Mo Kaya episode.

Vilma-Santos

Samantala, dahil kasalukuyang naka-recess ang kongreso ay bising bisi pa rin si Cong. Vi sa pag-iikot sa mga constituents niya sa Lipa City. Kamakailan lamang ay may si Ate Vi mismo ang nag cutting ribbon ng kanyang ipinagawang school building.

First termer pa lang si Cong. Vi as Congresswoman pero may mga nag-uudyok sa kanya ngayon na tumakbong Senador.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s