Pagproklama ni Pres. Duterte kay Nora bilang National Artist, maraming naghihintay

Ni: Ricky Calderon

MARAMING mga Noranians ang naghihintay kung ipoproklama nga bang National Artist ni President Rodrigo Duterte si Ms. Nora Aunor, ang nag-iisang Superstar ng local showbiz.

Matapos na hindi iproklama ni dating President Noynoy Aquino si Ate Guy na Pambansang Alagad ng Sining kahit pasok na ito sa tatlong levels ng judging, nakasalalay sa mga kamay ng kasalukuyang pangulo ang kapalaran ng aktres.

nora a

Siyemre maraming mga Noranians ang umaasa na finally ang long-overdue recognition ay mapapasakamay na ni Ate Guy. Very much deserving naman siya for the award.

Kung artistry at body of work ang basehan, qualified na qualified si Ate Guy. Pero hindi rin maiiwasan na may kumontra, for reasons na posibleng may basehan din naman.
Nakasalalay sa nominating body kung muli nilang ipapasok ang pangalan ni Ate Guy sa pagpipilian, which is possible kasi shortlisted na siya even before.

Kaya ang dasal ng mga Noranians ay sana magkatotoo ang sinabi ni President Duterte na kung deserving si Nora sa prestigious award ay marapat naman na ito ay kanyang matanggap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s