Coco, naniniwala rin na dapat nang palitan ang seryeng magtatatlong taon na

Ni: Jimi C. Escala

MAGTATATLONG taon na sa ere ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng King of Primetime na si Coco Martin.

September 28, 2015 pa nang unang napanood sa telebisyon ang nasabing serye at hanggang sa ngayon ay mataas ang rating ng nasabing primetime show ng ABS-CBN, huh!

coco-ap2

Kaya naman hati ang desisyon ng mga taong namamahala ng FPJAP. May nagsabing dapat na raw na tapusin sa ere habang nasa itaas pa ito at dagdag pang nasasagad na raw ang mga staff lalong lalo na ang mga manunulat nito.

Pati pa nga raw mismong si Coco Martin ay naniniwala na rin daw na dapat na raw palitan ng ibang palabas ang show nila. Naubusan na raw sila ng topic na pwedeng gawin sa serye.

Halos lahat naman daw kasi ng topic na napapanahon ay nagamit na nila ni Coco sa istorya nila. Ngayon nga pati ang kwento sa mga kontrobersiyal na politico, mula sa Presidente, Bise Presidente at hanggang sa Senador ay nagawan na nila ng kuwento.
Ayon pa rin kay Coco mismo ay may naiisip na raw siyang ipapalait sa Ang Probinsyano.

Ito ay ang Batang Quiapo na naging leading lady ni FPJ si Maricel Soriano.

 

Coco-Martin

Pero ayon naman sa nakausap naming ABS-CBN insider ay ang teleseryeng kasalukuyang ginagawa ngayon ni Judy Ann Santos ang nakatakdang ipapalit sa iiwanang timeslot ng serye ni Coco.

But still, may mga executive pa rin naman ng Dos ang pumipigil at mas gusto pa rin ng mga ito na magpatuloy sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi pa raw napapanahon na mawala ang nasabing serye dahil kahit saang sulok daw ng Pilipinas ay ito ang tinututukan.

Katwiran ng mga ito ni minsan daw ay hindi pa napataob ng anumang itinatapat se serye.

Banggit pa ng mga ito na bukod tanging si Coco na nga lang daw ang bumuhay sa aksiyon na unti-unting namatay mula nang mawala ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s