Ylona, na-ospital sa sobrang stress sa mga bashers at fans na nag-aaway-away

By: Rose Garcia

NAGKASAKIT at nauwi sa hospital ang Kapamilya star na si Ylona Garcia.

Nag-post ng mahabang message si Ylona katabi ang picture niya habang nakaupo sa wheelchair at may dextrose.

Sa post ni Ylona, nakasaad dito ang, “I want to be honest, it really stressed me out and I spent hours trying to find ways to make sure everyone would be happy and okay, to the fact where I forgot about myself. To the point where I ended up in the hospital. I’m sharing this with you to create awareness.”

At saka niya nilagyan ng #PleaseSpreadLove.

yllona garcia

Dahil nga raw ito sa mga bashers sa social media at mga fans na nag-aaway-away.

So, siguro, sobrang na-stress na si Ylona though, hindi naman niya sinabi ano ang eksaktong nangyari sa kanya na nauwi siya sa hospital.

Anyway, bigla namang naalarma ang mga fans niya na sa Twitter post niya na yun, nag-sorry ang ilan sa mga fans at nagsabing positive vibes na raw sila. Nag-worry sila sa kanilang idolo at pinayuhan pa ng ilan na mag-social media break muna raw and rest.

Nag-comment sa post ni Ylona si Elisse Joson nang, “i feel for you. Hope ur ok. U ball of sunshine…. hugs and prayers.”

Sa totoo lang ha, isa si Ylona sa mga kinagigiliwan naming teen stars dahil bukod sa nagagalingan kami rito, ramdam din na mabait na bata talaga.

Kaya sa mga fans, hindi porke’t malaya at libreng makapag-komento sa socmed e, sige, hala, bira, ‘no!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s