Angel, ipinagtanggol si Liza sa comment na lampa para maging Darna

Ni: Rohn Romulo

IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin si Liza Soberano sa isang netizen na tinawag itong ‘lampa’ at sana raw ay siya na lang ang nag-Darna sa muling paglipad sa big screen bago matapos ang taong ito.

May post kasi si Angel na parang nagsasanay sa isang fight scene.
Kaya nag-comment si @jason.sagun ng, “Ikaw na lang po sa sana nag darna ms @therealangellocsin kaya mo din pala mag action ngayon sayang lang po yun pinalit pa sayo lampa pa wala pang napatunayan kahit sa bagani ang lamya kumilos.”

Sinagot naman ito ni Angel, “@jason.sagun not true. she can do action scenes really 🙂 sana stop na to. Thanks.”

liza s

Marami naman ang natuwa sa ginawang pagtatanggol ni Angel kay Liza, pero may mga nag-comment at super react sa pagiging malamya ng kanilang idolo.

Dahil sa post na ito ni Angel, nabuhay na naman ang awayan ng mga fans, lalo na ‘yun nagpipilit na ibalik kay Angel ang Darna, samantalang two months nang nagso-shooting si Liza na dapat na lang hintayin na mapanood bilang Darna na binubusisi nang husto ni Direk Erik Matti lalong-lalo na ang isusuot na costume ni Liza.

Sigurado kami na kakaibang Darna ang ating mapapanood na mala-Wonder Woman na talagang tigasin ang dating at tiyak din na magkakaroon ng sariling tatak si Liza tulad nang nagawa nina Angel, Vilma Santos, Marian Rivera at iba pang aktres.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s