Marian at Dingdong, nag-trending at umani nang papuri dahil sa ‘Tadhana’

By: Nora V. Calderon

NAG-TRENDING na, tumanggap pa ng maraming papuri ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa social media at ang ginawa nilang first anniversary episode ng drama anthology on Overseas Filipino Workers (OFW), ang Tadhana hosted by Marian herself.

Si Marian nga ang gumanap sa first anniversary episode nilang “Sugat ni Inay” at si Dingdong naman ang nagdirek.

Habang ipinalalabas ito last Saturday, June 23, sa GMA 7, marami na agad comments na nai-post sa Facebook account na @Marian Rivera.

Ilan  sa mga comments nila, ang ganda raw ng episode at maraming napaiyak sa mga eksenang halos hindi rin huminto sa pag-iyak si Marian as Jackie, simula pa nang iwan niya ang mga anak para magtrabaho sa Bahrain.

dongyan

Marami raw aral na natutunan ang mga manonood at ang realization nila, lalo na iyong may mga pamilyang nagtatrabaho sa abroad, na hindi lahat ng nagtatrabaho roon ay maganda ang buhay, na hindi nila pinupulot ang perang ipinadadala sa kanila dito sa Pilipinas.

Sa comment ni @Aidale Aredam: “Lahat ng episode ng Tadhana maganda ang story at wala ako pinalagpas, now na si Marian ang gumanap mas lalo akong na-excite… andun pa rin ang galing ni Marian sa drama esp sa crying scene madadala ka talaga at maiiyak… Congrats Yan for the great performance & kudos also to Direk Dong!”

May nag-comment pa ng, “Only Marian Rivera can deliver it, her mother was also a former OFW.  Congratulations Marian and Dingdong, and to GMA Network.”

Ang  Dong Yan Fans na narito sa Pilipinas, nai-tape at naipadala na nila sa mga kamag-anak nila abroad and episode dahil delayed daw ang airing doon ng GMA Pinoy TV at gusto nilang maipapanood agad sa kanila ang role na ginampanan ni Marian.

STILL on Dingdong and Marian, siniguro na ni Marian na mauunang gumawa ng kanyang bagong teleserye ang asawa dahil ready na ang story nito.

Hindi raw naman sila pwedeng magsabay gumawa ng serye ni Dingdong dahil hindi nila pwedeng sabay na iwan si Zia, dahil naghahanap na ito.  Tulad daw ng mag-taping sila ng Tadhana, dahil magkasama sila, kailangan nilang magpaalam kay Zia na sabay silang magwu-work at sagot ni Zia, “I will miss you.”

Ayon naman kay Rams David, manager ni Marian, around October naman magsisimulang mag-taping ng new teleserye niya si Marian, baka raw by that time tapos na si Dingdong ng serye niya.

May movie offer na rin daw si Marian from Regal Films at iyon daw ang susunod nilang pag-usapan nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s