Regine, excited na sa maglalaban-laban para sa solo singing superstar sa ‘The Clash’

By:  Nora V. Calderon

SI Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang host ng new search for solo singing superstar na The Clash.   Ilang buwan din pinuntahan ni Regine ang mga one-on-one battles ng mga singing hopefuls na nag-auditon sa iba’t ibang lugar sa bansa.  At mula sa thousands na nag-audition, nabuo na ang Top 62 Clashers.

“Very excited na ako sa pagsisimula ng program namin that will showcase the talent and star power of the aspirants na pinili namin,” sabi ni Regine.

“Excited ako kasi we have a good set of singers na maglalaban-laban.  I’m sure na sa una, kakalabanin talaga ng mga singers na ito iyong sarili nila kasi siyempre, kakabahan sila.  But ako, my only advice to them is to use this nervousness to empower them.”

Regine-velasquez

Nahati na nga ang Top 62 clashers na magku-compete sa pagsisimula ng show sa July. Sa Metro Manila, may 14 aspirants; sa Northern Luzon, 7 aspirants; sa Central Luzon, 12 aspirants; sa Southern Luzon, 7 aspirants; Visayas, 9 aspirants; sa Mindanao, 10 aspirants.

May four international challengers, sina Cleo Lagunilla, Jasmine Fitzgerald, Mika Gorospe and Rachel Bergado, na pwede ring magkaroon ng chance na tawaging first “The Clash Champion.”

Ang screening panel ng The Clash ay ang Iconic OPM songwriter Vehnee Saturno, singer-composer and record producer Jay Durias, and Director Bert de Leon na siyang tumulong kay Regine sa nationwide search. Director ng The Clash si Louie Ignacio.

For more information, kindly follow their Facebook page for more details.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s