Julia, pinarangalan ng Philippine Embassy sa Malaysia dahil sa pagsuporta sa ‘Alternative Learning Initiative’ para sa Filipino children sa Sabah

By: Ruel J. Mendoza

MARAMI pa ring fans ang nakaka-miss sa Eat Bulaga Dabarkads na si Julia Clarete na tahimik na ang buhay sa bansang Malaysia.

Tahimik na kinasal si Julia sa kanyang Irish boyfriend na si Gareth McGeown noong July 2017.

Nagdesisyon si Julia na iwan ang career niya dito sa Pilipinas para makasama ang anak at asawa sa ibang bansa.

Sa Instagram account ni Julia, updated ito sa kanyang mga followers at makikita namang maayos ang domesticated na buhay niya roon.

Marunong nang magsalita ng Malay si Julia at pinag-aaralan naman niya ngayon ang magsalita ng French.

 

Nakakasama niya roon ang maraming Pinoy fans na may iba’t ibang trabaho sa Malaysia.

julia cSi Julia rin mismo ang pumupunta sa grocery at namamalengke kasama ang kanyang anak. Makikita na enjoy siya sa simpleng buhay at hindi siya mina-mob ng mga fans.

 

Wala rin daw kasambahay si Julia sa Malaysia at siya ang naglilinis ng bahay at nagluluto ng mga kakainin nilang pamilya.

Kelan lang ay ginawaran ng parangal si Julia ng Philippine Embassy in Malaysia dahil sa kanyang “invaluable support to the Alternative Learning Initiative for Filipino children in Sabah.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s