Tony, perfect sa role bilang gymnast dahil very athletic

By: Ricky Calderon

KAHIT na inabot kami ng apat na oras sa trapik bago narating ang set ng Double Twisting Double Back sa Philippine Gymnastics and Athletics Academy sa Alabang, sulit na sulit naman dahil nakatsika ang aspiring actor na si Tony Labrusca.

Siya ang bida sa Cinema One Originals entry na Double Twisting Double Back, ang second film ng award-winning young director na si Joseph Abello.

Tungkol sa buhay ng isang male gymnast and his struggle to cope with the rigors of his sport ang kwento ng movie na ipapalabas sa October.

Tinatalakay din ng pelikula ang mental disorder na nararanasan ng ilang mga tao, which causes them to become irrational in their behavior. Kung minsan ang mental disorder drives people to take their lives if they can no longer cope with the problem.

Sa kanyang first shooting day, very candidly ay sinabi ni Tony sa kanyang director na he is coming to the film very raw. Ito ang kanyang break bilang bida sa pelikula at aminado siyang mayroon siya inadequacy sa acting.

tony-labrusca1

Kaya naman ang hiling ni Tony kay Direk Joseph, sa kanyang co-star na si Joem Bascon at sa producer niyang si Shandii Bacolod na alalayan siya and guide him so he can give his best.

“I am very much willing to learn and I am giving my best kasi I want to give a good account of myself kahit na baguhan ako. I know this is a big break for me and ayoko naman itong masayang for coming up with a lackluster acting,” pahayag ng guwapong binata na may pamatay na abs.

Sabi naman ni Shandii, perfect si Tony sa role bilang gymnast dahil very athletic ito at kayang-kaya ang mga stunts na ipinagagawa ng kanyang director. Bagamat meron naman siyang double, Tony insists in doing his own routines on the floor.

“Basta kaya ko, I will do it. I know they don’t want me to get any broken bones or hurt myself in doing the routines pero I want to be honest. If I can do the routine, kahit na mahirap, I will do it myself,” pahayag ng Boyband.Ph grand finalist.

Sabi naman ni Shandii, “Tony is that good in the film pero he doesn’t know it. There was one scene in the movie na silent pero ‘yung pagbitaw ni Tony ng linya ay swak na swak. Kaya sabi ko, he is perfect for the role.”

Agree rin si Joem Bascon, who plays Tony’s best friend sa movie, sa obserbasyon ni Shandii.

“Mahusay siya and what is good about him is that nagtatanong siya kung paano maibigay nang tama ang acting niya. Nakaka-amaze ang husay niya.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s