Pananatiling humble ni Coco, pinaka-hinahangaan ni Susan

By: Rose Garcia

ANG pananatiling humble raw ni Coco Martin ang pinaka-hinahangaan ng Queen of Philippine Movie na si Ms. Susan  Roces.

Ilang taon na rin ngang magkasama sa primetime series na Ang Probinsyano sina Manang Inday at Coco kaya masasabing kilala na rin niya talaga ang actor.

Bukod sa humility ni Coco, ang pagmamahal din daw nito sa mga less-fortunate, pagmamahal sa matatanda at ang dedikasyon daw nito sa trabaho ang ilan sa mga katangian ng actor na talagang hinahangaan niya.

Kaya para rito, karapat-dapat lang daw si Coco sa award na ibinigay rito kamakailan lang na FPJ Memorial Award.

susan roces

Wala raw dapat ipagpasalamat si Coco na ito ang naging recipient dahil si Coco raw ang nakikitaan niya na ipinagpapatuloy talaga ang advocacy ng Hari ng pelikulang Filipino at ito ay ang makapag-entertain, magpaka-totoo at magpaka-tao.

Sa ngayon, hindi pa masagot ng veteran actress kung hanggang kailan pa nga ba ang Ang Probinsyano na ang balita ay hanggang 2019 pa kunsaan, kilalang-kilala siya ng lahat bilang si Lola Flora.

Enjoy raw ito sa ginagawa, sa pagte-taping ng AP at proud na napakarami pang magagandang kuwento na naihahatid nila sa mga manonood.

Kaya mukhang bukod sa mga gamot o vitamins na ino-offer ng kanyang ine-endorsong RiteMed sa loob ng pitong taon, ang patuloy na pag-arte nga siguro ang isa sa bitamina ni Manang Inday.

Anyway, kamakailan lang ay pumirma itong muli ng panibagong kontrata sa RiteMed bilang patuloy na credible ambassador ng brand.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s