Jerald, muntik na palang mapa-away dahil sa pagtatanggol kay Marian

By: Rohn Romulo

ABOT-LANGIT ang ngiti ngayon ni Jerald Napoles dahil ang fantasy romantic comedy film nila ni Valeen Montenegro na The Write Moment ay magkakaroon na ng nationwide showing.

Sa pocket interview na pinatawag ng All Access to Artists, Inc., ang management company ni Jerald, inamin niya na hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siyang leading man sa pelikula.

Ang pelikulang The Write Moment na mula sa IdeaFirst at sa direksyon ni Dominic Lim ay pinalabas last year sa QCinema Film Festival at dahil nagustuhan ito nga mga big bosses ng Viva Films susugal sila na i-commercial release ito sa June 27.

Valeen Montenegro & Jerald Napoles3

Ang pelikula ay tungkol sa nabigong relasyon pero sumulat ng script ang bidang lalaki na maging happy ending ang kanilang love story na unti-unti namang nagkakatotoo.

Wala naman sa ilusyon ni Jerald na napapanood tuwing Linggo sa Sunday PinaSaya, na ang tulad niyang simple guy ay magbibida sa pelikula at sanay na siya sa supporting roles.

Kahit ang kanyang nanay ay hindi rin makapaniwala na magiging bida at hindi best friend lang ng bidang artista.

“Lagi kong sinasabi sa kuwentuhan, nu’ng sinabi ko sa nanay ko na lead ako, hindi naniniwala eh. Ang alam lang niya, ‘Sino ang best friend mo?’ Kasi sanay ho siya na ako ‘yung best friend.

“So, sasabihin ng nanay ko, ‘Sino ang best friend mo, sinong artista?’ ‘Ma, ako nga ‘yung artista, ako nga ‘yung lead.’ ‘Hindi kasi nu’ng nakaraan si Piolo Pascual kasama mo, so ano ngayon, sino ba?’ ‘Ma ako lang, ako ‘yung maghahanap ng best friend na Jerald Napoles.’ ‘Weh! May manonood ba niyan?’ Ganiyan nanay ko,” pahayag ni Jerald na gustong i-tour ang kanyang ina sa Asian countries ngayong malaki-laki ang kanyang kinikita.

At dahil nga nagbida na siya sa The Write Moment, may mga dumating na offers na tinanggap ng kanyang management.

Natapos na niya ang movie na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na pagbibidahan ni Alex Gonzaga na isasali sa 2018 Pista ng Pelikula Pilipino at kasama rin si Vin Abrenica. Mula ito sa direksyon at panulat ni Fifth Solomon na hugot films.

May dalawa pa siyang ginagawang pelikula, ang Mina Anod kasama si Dennis Trillo na kung saan ang role nila ay mag-bestfriend na champion surfers at tatalakayin dito ang isyu ng drugs sa direksyon ni Kerwin Go. Nagkasama na sila ng aktor sa The Janitor.

Makakasama naman niya ang mahuhusay na comedian na na sina Pepe Herrera at Paolo Contis sa pelikula ni Marcus Talampas na Ang Pangarap Kong Holdup.

At dahil sa mga natanggap niyang offers, inamin din ni Jerald na medjo concious na siya sa projects na tatanggapin niya, kaya careful sila sa pagpili.
Aware din siya na dapat alagaan ang kanyang image, kaya hangga’t maaari ay iwas-gulo siya lalo na pag gumigimik siya sa labas.

Jerald-Napoles

Pero may ibinahagi si Jerald, na muntik na siyang mapaaway dahil binatukan siya ng isang foreigner sa isang bar na kung saan kasama nila ni Marian Rivera.

“Pasugod na ako, pero may humila sa akin, na hayaan ko na lang daw,” kuwento niya.

“Parang hinawakan niya si Marian sa likod, eh, naka-backless. Nakainom na kaming lahat, pero trabaho ko na protektahan siya, kahit artista ako, magpiprisinta na ako na bodyguard, dahil mukha namang akong bodyguard.

“Eh, ang ganda ni Marian, ‘yung foreigner hindi naman alam na artista ‘yun, kaya nanghahawakan na si Marian, hinarangan ko na, tapos nasapok na ako.

“Buti na lang may mga bouncers, inawat na ako, kasi, baka lalabas din na ako ang masama pag pinatulan ko.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s