Alden at Ex Battalion, puring-puri ng netizens dahil swak ang pagsasanib-pwersa

By:  Rose Garcia

HINDI lang yata sa inaabangang pagbabalik primetime series ni Alden Richarads na Victor Magtanggol puwedeng magkaroon ng collaboration ang Pambansang Bae at ang sikat na grupong EX Batallion dahil sa lakas ng recall ng theme song pa lang ng Victor Magtanggol.

To think, hindi pa ipinapalabas ang naturang serye ha.

ex batt alden

Biglang nagiging superhero of the day ng mga netizens na nakapanood ng Spotlight Music Sessions nila sa GMA nang kantahin nila ang “Superhero Mo” na siyang magiging OST ng upcoming series ni Alden.

Hit na agad ang collaboration nilang ito dahil nakapagpa-good vibes nga raw sa sa kanila.

Alden-Richards

Bukod sa nagka-LSS (o Last Song Syndrome) ang libo-libong Youtube viewers na nakapanood nito, nagagandahan din sila sa mensahe ng kanta. Very inspiring at maganda raw itong motivation sa kanilang lahat.

Sa comments section, puring-puri ng netizens ang Ex Battalion at si Alden dahil swak ang kanilang pagsasanib-pwersa para kantahin ito.

Hmmm…. mukhang nagiging highly anticipated nga ang Victor Magtanggol na OST pa lang ang lumalabas, maingay na.

Sana ganun din kapag ipinalabas na nga ng GMA-7 ang pinagbubuhusan ng atensiyon at effort ni Alden na bago niyang primetime series.

ex battalion

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s