Marian, na-miss ang pag-iyak sa mga teleserye kaya itinodo na sa ‘Tadhana’

By: Nora V. Calderon

HAPPY first anniversary kay Marian Rivera at production staff ng weeklay drama anthology na Tadhana bukas, June 23.

One season lamang dapat ang weekly drama na dedicated sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), ang kanilang mga paghihirap at tagumpay sa pagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa mundo, malayo sa kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Ang Kapuso Primetime Queen ang host nito.

marian-t2

“Pero, nagustuhan po ng mga sumusubaybay sa amin, lalo na ang mga pamilyang may mga kaanak silang nasa ibang bansa, kaya po naging second season, third season, fourth season, at ngayon po ay naka-one year na kami, salamat sa inyong lahat,” sabi ni Marian sa media conference.

“Kaya po pumayag ako sa request ng mga televiewers na gampanan ko naman ang special anniversary presentation natin.

“Actually po, para sa aming dalawa ni Dong (Dingdong Dantes) ang offer nila, nang sabihin ko sa kanya, sabi niya, ‘ganito na lang, ikaw ang artista ako na lamang ang magdidirek sa iyo’.” “Siyempre ay natuwa ako dahil iyon naman ang gusto ko, sabi ko sa GMA, gusto ko na si Dong ang magdirek, first directorial job niya ako. Kaya po itong special episode na ito ay handog naming sa inyong lahat, sa mga OFWs, sa inyo rin sa press, bilang pasasalamat namin sa inyo.

dindong-t

“Hindi po lamang namin pwedeng sabihin kung sino ang ipinu-portray ko rito, secret po ang identity nila. Pero ako rito si Jackie, isang inang iniwan ang mga anak niya at maysakit na asawa para magtrabaho sa Bahrain at nasa isip ay ang mabago ang buhay ng kanyang pamilya.

“Pero hindi niya akalain na daranas siya ng malaking hirap doon, sa dalawang taon ng paghihirap niya doon, physical abuse, hindi siya hinayaang makalabas ng bahay, walang cellphone para makausap man lamang ang pamilya at ang panloloko ng pinagkatiwalaan niyang magpadala ng pera niya sa Pilipinas.

“Siguro na-miss ko ang pag-iyak sa mga teleserye, dito dalawang eksena lamang yata na hindi ako umiyak. Sana po ay magustuhan ninyo ang story na aming napili.”

Nakasama ni Marian sa anniversary episode sina Jackielou Blanco, Emilio Garcia at si Lotlot de Leon. Huwag i-miss ang special participation ni Direk Dingdong Dantes sa Tadhana, pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s