Jackie, papasukin lang ang pulitika ‘pag sinabi ni Mayor Erap

By: Rohn Romulo

SA selebrasyon ng 447 na taon ng ‘Araw ng Maynila’, under the decree ni Mayor Joseph Ejercito Estrada, ang kikitain ng Miss Manila 2018 ay mapupunta pa rin sa MARE Foundation, na isang non-profit institution na pinamumunuan ng Chairperson and Pagent Director na Ms. Jackie Ejercito.

Nagsanib-puwersa muli ang Lungsod ng Maynila at MARE Foundation, kasama ang VIVA Live, sa muling paghahanap ng kokoronahan bilang Miss Manila na nasa ikalimang taon na.

Ang 32 official candidates ay kinabibilangan nina Esel Mae Pabillaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo, Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Joanna Day, Angelique Mae Santos, Kathleeen Joy Paton, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Coloso, Beatriz Canary Tolentino at Lean Dominique Lalu.

MM2018_WHITE GROUP 1

Ang Grand Coronation Night ay gaganapin sa June 26, 8:00 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC), Reception Hall. Mapapanood naman ito sa July 1, sa ABS-CBN’s Sunday Best, after ng Gandang Gabi Vice.

Ang mananalong Miss Manila 2018 ay makatatanggap ng P1,000,000 worth of prizes (P500K cash plus Viva Management contract worth P500K); samantalang P350K cash para sa First Runner-Up, P250K cash para sa Second Runner-Up P150K cash para sa Third Runner-Up at P100K cash para sa Fourth Runner-Up.

Samantala, natanong si Jackie kung pabor siya sa pagtanggal ng swimsuit competition sa isang beauty pageant na sinimulan na sa Miss USA.

Wala raw siyang nakikitang masama sa pagsusuot ng bathing suit sa pageant, kahit na conservative siya. Sa Miss Manila this year, magtu-two-piece raw ang mga candidates.
At sa susunod na eleksyon na muling tatakbong Senador ang kapatid niyang si Jinggoy Estrada, kaya magiging abala na naman sila sa pagsuporta.

Samantala, wala raw siyang interes na pasukin ang pulitika, dahil nakakatulong naman siya sa pamamagitan ng MARE Foundation, mas gusto niya na nasa background lang siya.

Pero ang daddy niyang si Mayor Erap lang daw ang makakapagkumbinsi sa kanya para sa isang local position tulad ng pagiging Mayor ng Maynila.

“Si Daddy lang ang makapagsasabi sa akin kung gusto niya akong patakbuhin. Masyado kasi akong obedient na anak.

“So if ever ha, pero kung ako lang, hindi talaga. Parang hindi naman ako bagay doon,” natatawa pang sagot ni Ms. Jackie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s