Dingdong, lalo pang bumilib kay Marian nang mai-direk sa ‘Tadhana’

By: Rose Garcia

NGAYONG Sabado na mapapanood ang muling pagdidirek ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa special anniversary episode ng Tadhana.

Kuwento ni Marian Rivera na siyang host ng GMA News TV show na Tadhana pero this Saturday ay siyang bibida bilang aktres, si Dingdong daw talaga ang may gustong idirek siya.

Although sey ni Marian, “Noong una ayoko talaga. Parang ang weird ng feeling. Asawa ko siya, naka-partner ko siya. Ayoko! Tapos tinatakot pa niya ko na magkaka-alaman tayo kapag na-direk kita. Makikita ko kung ano ang acting mo.”

Pero sabi naman namin kay Marian, bumilib naman sa kanya ang mister niya at nasabi pa nga nu’ng nakausap namin na kaya raw pala love si Marian ng mga nagiging director, producer at co-stars nito.

Hirit ni Marian, “Siyempre, nagpasiklab ako! Ha ha ha!”

marian r

Isang taon na nga ang Tadhana at maraming OFW ang natutuwa sa show nila dahil nagkaroon ng tila channel ang mga ito para maipakita rin sa Pinoy kung anu-ano nga ba ang mga pinagdadaanan at buhay nila sa ibang bansa.

Sa ngayon, Tadhana at Sunday PinaSaya regular na napapanood si Marian. Ang teleserye niya ay medyo made-delay pa towards the end of the year dahil hindi raw sila puwedeng sabay ni Dingdong na gumawa.

Sey niya, “Kawawa naman si Zia kapag pareho kaming nag-teleserye ni Dong. So, siya muna.”

Pero prayoridad nila na masundan at mabigyan ng kapatid si Zia. Kung sakali at mabuntis siya even before na simulan niya ang bagong primetime series, wala raw magiging problema kahit sa network.

Ang mukhang sigurado, ang pagbabalik ni Marian sa big screen this year. Matagal-tagal na rin since her last movie at nabanggit na ni Yan na horror ang gagawin niya.

Nabanggit din niya na si Direk Mike Tuviera ang direktor, pero mukhang may chance na iba pa rin ang magiging director ng pagbabalik pelikula niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s