Robin, nalungkot nang malamang ‘di na makakasama si Daniel sa ‘Marawi’

By: Jimi C. Escala

AYON kay Robin Padilla ay malapit na raw nilang uumpisahan ang shooting ng Marawi kung saan siya ang gaganap na bida to be directed ng kaibigan niyang si Joyce Bernal at siyempre isa sa mga producer ay ang aktor na si Piolo Pascual.

Siyempre, ganun na lang daw ang excitement na naramdaman ni Robin. May mga ilang bagay na lang daw silang pinag-uusapan ng mga taong kasama sa produksiyon.

“Konting tiis na lang, na-approve na lahat ng sector, mag-shooting na lang kami. Natuwa lang ako dahil sinabi ni Heneral Piolo Pascual na involved ang ABS-CBN 2,” sey pa ni Robin.

piolo-pascual-direk-joyce

Banggit pa raw ni Piolo na makakasama raw nila sa Marawi ang ilang mga sikat na Kapamilya stars na halos lahat ay kaibigan nila.

Pero nalungkot lang si Robin dahil dapat daw ay kasama ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

“Ayoko namang pangunahan sila, mas maganda kung sila na mismo ang magkuwento sa inyo kung sinu-sino na ang mga kasama sa cast ng ‘Marawi’. Siyempre, kalungkot lang dahil hindi na si Daniel ang nakakuha sa role, sayang,” sey pa ni Robin.

Si Piolo pa nga raw ang may gustong mapasama sa nabanggit na pelikula si Daniel pero sa anumang kadahilanan ay hindi na raw matutuloy ang sikat na young aktor.

daniel p

Kuwento pa rin naman ni Robin na kung ilang beses na raw naman nilang binisita ang Marawi at marami raw silang nasaksihan mismo sa totoong kalagayan ng mga kababayan natin.

Tiniyak naman ni Robin na marami raw mapupulot na aral ang lahat sa gagawin nilang pelikula na hango sa nangyari sa Marawi.

“Yung message na nangyari sa Marawi, hindi natin dapat makalimutan yun. Hindi dapat malaos dahil ‘yun ang past, present and future situation ng ating bansa,” seryosong lahad pa ni Mr. Robin Padilla.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Robin para sa asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla sa pagbabalik-hosting sa noon time show na It’s Showtime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s