Marian, ‘di itinanggi na nagta-try na sila ni Dingdong na muling magka-baby

By: Rohn Romulo

IKINALOKA ni Marian Rivera ang tanong kung may nabuo na ba sa Father’s Day getaway sa El Nido, Palawan nila ni Dingdong Dantes kasama si Zia?

Ayon sa host ng Tadhana, ang weekly drama anthology ng GMA Public Affairs na one year na, “ano ba kayo, nakakaloka. “Pero hindi ko naman dini-deny na trying talaga kami.  Since nag-two years old na si Zia, parang good enough na ‘yun distance o space dahil magti-three na years na si Zia.”

Bukod sa kanyang weekly shows na Tadhana at Sunday PinaSaya, may inaayos na teleserye at pagbabalik niya sa pelikula na horror ang tema.

marian-t

Paano kung biyayaan uli sila na magkaroon ng baby? “Pahinga na muna, kasi priority ko ‘yun hanggang si Dong muna ang nagta-trabaho,” mabilis niyang sagot.

“Saka hindi ko naman puwedeng pigilin ang sarili ko na mabuntis.  Alam naman ng GMA na the mere fact na kinasal kami, automatic yan na magkakaroon ng supling talaga.

“At ang pagkakaroon ng isang anak ay isang malaking biyaya na hindi mo puwedeng pigilan.

“At siyempre cue ni Lord kung kailan niya ‘yun ibibigay.”

Hindi rin naiwasang tanungin uli si Marian kung magiging supportive ba siya sa bali-balitang pagpasok sa pulitika ni Dingdong.

“Naku, sa totoo lang, ayokong sumagot sa ganyang klaseng question,” sey ng super sexy na actress and host.

“Pero, yes, 101%, susuportahan namin siya, kung ano ang gusto niya sa buhay.”

Sa ngayon ay malabo talaga silang magkasama sa isang teleserye, kaya mauuna muna si Dingdong, kaya naurong ang kanyang soap, hindi raw kasi puwede na walang maiiwasan na titingin kay Zia.

“Mahirap kasi na pareho kaming nasa trabaho tapos maiiwan si Zia, kawawa naman ang anak namin, although nandun naman si mama ko o mama ni Dong, but still, iba pa rin yun may magulang na kasama ang anak namin.

“Ako mismo ang aayaw sa magkasama kami ni Dong, kasi three to four months ang teleserye.

“Siguro kung sitcom, baka pupuwede, alam ko kasi inaayos na nila.”

Si Dingdong nga ang nag-direk sa special anniversary presentation ng Tadhana na mapapanood sa June 23 after ng Contessa na kung saan first time na aarte ni Marian sa hino-host na show.

Naipangako kasi ni Marian na kapag nag-one year ang show ay papayag siyang lumabas sa isang episode na dapat sana’y si Dingdong ang kanyang partner.

“Noong una, ayaw ko sana na si Dong ang mag-direk, para kasing ang weird ng feeling na asawa ko siya, ka-partner ko siya, tapos idi-direk niya ako, parang ayoko.

“Tapos, tinatakot pa niya ako na, ‘magkakaalaman tayo, makikita ko kung ano ‘yun acting mo!’.

“Pero hindi naman ako nahirapan, nagpasiklab naman ako ha ha ha.

“Okay naman siyang direktor, okey naman pala siyang katrabaho, kasi noong una parang weird.  Gusto ko siyang magdirek, may puso siyang magdirek, kaya gusto kong maulit” masayang pahayag pa ni Marian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s