Jerald, ‘di inasahan at na-imagine na magiging bida sa pelikula

By: Ricky Calderon

JERALD Napoles gets his first taste of being lead actor in The Write Moment directed by Dominic Lim of IdeaFirst Company.

This was first shown as an entry in the Quezon City Film Festival. It will be given a theatrical release by Viva Entertainment starting on June 27.

Hindi inaasahan ni Jerald na mangyayari ito. Not even in his wildest dreams did he imagine na isang araw ay magbibida siya sa pelikula.

valeen & jerald

Pero sabi ni Jerald na masuwerte siya dahil si Valeen Montenegro ang katambal niya sa The Write Moment. Co-star niya si Valeen sa Sunday PinaSaya.

“It really helped na matagal na kaming magkasama sa show at comfortable na kami kaya nagkaroon na kami ng rapport sa isa’t-isa when we were doing the movie.”

Importante ang The Write Moment para kay Jerald dahil ito ang nagbigay daan para sa tatlong pelikula kung saan lead actor din siya.

Kwento pa ni Jerald, hindi nga naniniwala ang nanay niya na bida na siya sa pelikula.
“Ang lagi mong role sa movie eh best friend ng bida, gaya nung kasama mo si Piolo (Pascual) so sino naman ang best friend mo sa bagong movie mo,” Jerald quoted his mom as saying nung sabihin niya na bida na siya sa The Write Moment.

The movie reminds us of Kita Kita where a plain-looking guy is paired with a pretty girl.
“Sabi nila being funny is the new pogi,” wika pa ni Jerald who had a live in relationship with a sexy French model for two years, until the girl had to leave for France and they cannot maintain their long distance relationship.

“Sayang naman ang career ko kung susunod ako sa kanya. Ngayon pa lang ako bumubongga,” dagdag pa niya.

Ang wish ni Jerald ay maging kasingbongga ng Kita Kita ang The Write Moment which earned P350 million.

“Kahit P300 million lang ang kitain nito, masayang-masaya na kami. Sana ‘yung mga nanood ng Kita Kita, panoorin din ang movie namin.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s