Alden, walang kaabug-abog na pinili ni Kris kesa kay Joshua

By: Rohn Romulo

SA bongga at pinag-uusapang media launch ng comeback movie ni Kris Aquino sa Star Cinema, ang I Love You, Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto, natanong ang Queen of All Media kung kasing-edad niya si Julia magugustuhan ba niya si Joshua.
Walang kaabug-abog naman itong sinagot ni Kris na, “Ay, kung kasing-age lang ako ni Julia, ang sorry, ABS-CBN, ha, don’t hate me for this answer, si Alden Richards ang pipiliin ko.

“Sorry po, I apologize, no offense to anybody here. Tropang Joshua, huwag kayong magalit sa akin, pero ang kay Julia, kay Julia na.

“So, si Alden, libre pa.”

For sure, labis itong ikinatuwa ni Alden, dahil hindi pa rin nagbabago ang pagkagusto sa kanila ni Kris.

Showing na ang I Love You, Hater sa July 11.

alden r1

Anyway, mas mauuna palang ipalabas ang Victor Magtanggol ni Alden kesa sa Onanay nina Nora Aunor.

Kung hindi magbabago, baka hanggang next month na lang ang The Cure at papalitan na ito nang inaabangang teleserye ni Alden at makikipagsalpukan sa Ang Probinsyano ni Coco Martin na balitang matatapos na sa September at papalitan ng The General’s Daugther.

Mukhang matutuloy na ang bonggang salpukan na pagkatapos nu’n ay posible pang magkasama sina Coco at Alden sa film fest entry na pagbibidahan din ni Vic Sotto, and hopefully kasama rin si Maine Mendoza, para lahat ang masaya sa darating na Pasko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s