Joanna at Abra, parehong ‘di inaasahang magwawagi sa ‘Gawad Urian’

By: Ricky Calderon

SINA Joanna Ampil at Abra ang nagkamit ng top acting honors sa katatapos lang 41st Gawad Urian 2018 na ginanap sa ABS-CBN Tent noong Linggo, June 10.

Nagwagi si Joanna para sa pelikulang Larawan samantalang winner naman si Abra para sa kanyang pagganap sa pelikulang Respeto.

Marami ang nagulat sa pagkapanalo ni Abra, kasama na rin siya. Hindi niya kasi inaasahan na siya ang tatanghaling winner. Pero kilala namin ang Manunuri for giving awards to unheralded performers. And Abra’s case was no exception.

It was a pleasant surprise for Abra, na ikinuwento sa kanyang speech kung paano siya nakumbinsi na tanggapin ang lead role sa Respeto.

urian-abra

Hindi rin inaasahan ni Joanna ang kanyang pagwawagi. Hindi raw siya nag-expect. Umuwi lang talaga siya from China kung saan may tour ang musicale na Cats just to attend the awards night of Gawad Urian.

“I wanted to be here kasi I want to show my appreciation for the nomination that I have received from the Urian which is a very prestigious award-giving body,” pahayag pa ng first time Gawad Urian winner.

Una na siyang nagwaging Best Actress sa MMFF last December. Panalo rin siyang New Movie Actress sa PMPC Star Awards.

urian-joanna

Overwhelmed si Joanna sa mga awards na kanyang natanggap since it was her first film at marami siyang natutunan sa experience.

Naging emotional naman si Odette Khan nang siya ang tanghaling Best Supporting Actress para sa Bar Boy. Matagal na sa showbiz si Tita Odette pero ngayon lamang siya nanalo ng acting award.

urian-odette

This is her third after PMPC Star Awards and Famas who similarly recognized her. Kahit daw anong klaseng role, basta sa tingin  niya ay bagay sa kanya, ay tinatanggap niya.

Hindi kami sure kung first time winner si Dido dela Paz sa Urian for which he won Best Supporting Actor for Respeto.  Medyo naging emotional din siya sa pagtanggap ng kanyang award.

urian-dido dela paz

Winner na Best Picture ang Balingaga: Howling Wilderness samantalang ang Best Director award ay nakamit ni Arnel Barbarona para sa Tu Pug Imatuy.

Ang Balingaga: Howling Wilderness ay isinulat nina Achinette Villamor, Jerry Gracio at Khvan Dela Cruz.

Ang award for Best Screenplay ay napanalunan ni Christopher Gozum para sa Dapol Tan Payawar Na Tayug.

Ang Respeto, na dinirek ni Treb Monteras II, nagwagi rin ito ng tropeyo para sa Best Editing (Lawrence Ang) at Best Sound (Corinne de San Jose).

Ang iba pang winners ay sina Mycko David  (Best Cinematography para sa Neomanila), Gino Gonzales (Best Production Design for Ang Larawan), at Khavn (Best Music para sa Balangiga: Howling Wilderness).

Ang winner ng Best Documentary ay ang Yield nina Victor Delotavo Tagaro at Toshihiko Uriu samantalang ang award for Best Short Film ay napunta kay Kiri Dalena para sa Gikan Sa Ngitngit Nga Kinailadman (From the Dark Depths).

Ang Natatanging Gawad Urian ay ipinagkaloob sa musical scorer na si Winston Raval.

Ang hosts ng awards night ay sina Assunta de Rossi at Empoy Marquez, na kapwa nominado bilang Best Actress at Best Actor respectively para sa highest grossing film na Kita Kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s