Dingdong, naipakita na kay Zia ang isa sa mga meaningful places nila ni Marian

By: Rose Garcia

MASASABING balanse ang mga nangyayari sa buhay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Balanse in a way na kahit katatapos niyang gawin ang VIVA’s movie na Sid & Aya ( Not a Love Story) na humamig na ng mahigit 160 million sa takilya and officially the highest grossing film this year, may oras pa rin talaga siyang nailalaan sa kanya mag-ina.

Nitong Father’s Day nga lang ay naipakita na nila ng misis na si Marian Rivera sa anak na si Zia ang isa sa mga meaningful place raw sa kanilang mag-asawa o sabi nga niya sa post niya, “may kakaibang ukit” ang El Nido.

Kasabay nito ang pilot ng bago niyang infotainment show sa GMA-7, ang Amazing Earth. Nakikita namin na masaya si Dingdong sa lahat ng mga nangyayari sa kanya.

dingdong d1

So far, hindi nagbibigay ng anumang komento o sagot si Dingdong sa tuwing may magtatanong dito kung tatakbo raw ba sa darating na election at kung isa sa magpa-file ng candidacy.

Kapag ito na ang tanong, nakangiting sinasabi niya na ayaw na muna niya itong pag-usapan.

Kung kilala ng bawat isa ang aktor, puwedeng balikan ang mga nakaraang taon na tinatanong siya about entering politics at mabilis niyang nasasagot na hindi. Not this time.

So, may chance, ‘di ba?

Pero kung papasukin man nga ni Dingdong ang pulitika, sigurado kaming bago ito mangyari, posibleng mapanood pa ang actor sa dalawang malaking movie.
And yes, a new primetime series this year na kung tama ang nakarating sa amin, tiyak na marami ang matutuwa dahil sa makakasama niya rito. Isa itong serye na finally, matutuloy na rin.

dingdong d2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s