Kylie, ni-reveal na magwa-waterbirth pero natagalang lumabas si Alas

By: Ruel J. Mendoza

READY na nga si Kylie Padilla na magbalik-showbiz, pero magiging priority pa rin daw niya ang pagiging ina niya sa anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Sa naging interview niya sa show na Tonight with Arnold Clavio, nasabi nito na kahit marami siyang pinagdaanang pagsubok, isang blessing ang maging ina.

Natuto raw si Kylie na hindi na isipin ang sarili niya at ang baby niya ang parating nauuna.

“Iba, ibang experience, pero siguro ang masasabi ko, hindi lang blessing it’s bigger, sobrang saya ko. Never ko naisip na ito pala ang feeling ng pagiging mom.

“Siguro nagbago ‘yung pananaw ko sa buhay. Medyo selfish ako nun, eh. You know, the twenties. ‘Pag ganun ka, you know, it’s all about you.

“And hindi ko lang siya na-a-apply sa pagiging mommy, na-a-apply ko rin siya kung paano ko makita ang mundo.

“Siguro sasabihin ko siya ‘yung naging purpose ng buhay ko, si Alas. ‘Yung may direction. Wala, masaya ka na,” diin pa ni Kylie.

Naikuwento rin ni Kylie na bago pa man siya nabuntis, napapanaginipan na niya si Alas.

“Oo kasi, alam mo ba, nung wala pa siya, nakikita ko na siya sa dreams ko. Kaya nung dumating na siya, sabi ko ‘My God, ito na ‘yun.’”

kylie-padilla-alas-joaquin-and-aljur-abrenica-2

Ni-reveal din ni Kylie na dapat pala ay ipapanganak niya si Alas via waterbirth. Pero dahil sa tagal daw lumabas ni Alas, napagdesisyon na dahil na siya sa ospital.

“Nine days late siya. Kaya medyo kinakabahan na ako nun. Kasi ayoko ma-C-Section sana. But normal delivery naman siya.”

Sa sobrang proud ni Kylie sa kanyang baby, hindi na niya muna ito tinago sa publiko. Agad niyang pinost si Alas sa social media.

“Masarap ‘yan maalala di ba pag malaki na siya.

“Actually ang kuwento niyan, nung hindi pa siya lumalabas, ayoko talaga maglabas ng picture.

“Kasi syempre, di ba, i-keep ko muna. Private muna.

“Pero apat na araw siyang nasa tyan ko. Parang nung nakita ko siya, sabi ko, ‘wala na akong pakialam, i love you so much, papakita na kita.’”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s