Ellen, ‘di nakadalo sa hearing at bali-balitang manganganak na

By: Ricky Calderon

HINDI pa rin dumalo si Ellen Adarna sa hearing ng kasong isinampa sa kanya ng mother ng isang teenager na biktima ng cyber bullying ng aktres.

Pero naroon naman ang rumored boyfriend niya na si John Lloyd Cruz, kasama ang legal team ni Ellen.

Ayon sa ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, na pumunta sa hearing, dumating si Lloydie noong June 11 hearing, kasama ang mga abogado ni Ellen.

Tumagal ang hearing ng 30 minuto at na-reschedule ito for June 25, alinsunod sa kahilingan ng mga abogado ni Ellen.

john-angelica ellen

Ito ang ikalawang pagkakataon na humiling ng postponement ng hearing ang kampo ni Ellen. Nauna na siyang di nakadalo sa hearing noong June 4 dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama.

Ang cybercrime at child abuse case ay reklamo ni Mrs. Myra Santos, na ang dalagitang anak ay inakusahan ni Ellen na illegal siyang kinukunan ng larawan, kaya ang ginawa ng aktres ay kinunan ang dalagita ng larawan bilang ganti.

Nagdulot nang kahihiyan sa dalagita ang ginawa ni Ellen dahil hindi naman sinasadya ng anak ni Mrs. Santos na makuhanan ng larawan si Ellen. Ayon sa dalagita, ang kanilang pagkain ang kinukunan nila pero aksidenteng nahagip sa photo ang aktres.
Siyempre marami ang nag-aabang sa pagdating ni Ellen sa hearing dahil gusto nilang makita kung totoo nga bang buntis ang aktres kay John Lloyd pero nanatiling tahimik ang kampo ni Ellen sa isyu at bali-balitang manganganak na sa linggong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s