Piolo, walang nakikitang problema kung maunahan pa ni Iñigo na mag-asawa

Ni: Jimi Escala

SA edad niya ngayong 41 years old at masasabing isa na siyang established ay kayang-kaya na ng isang Piolo Pascual na lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.
Pero ayon pa kay Piolo sa huling panayam namin sa kanya ay may dapat pa rin daw siyang paghandaan. Kumbaga, may mga bagay bagay pa raw na dapat ilagay niya sa ayos bago ang pagkaroon ng sariling pamilya.

Kaya nga dahil dito ay may mga nagsasabing baka mauunahan pa raw siya ng anak niyang 20 year old singer actor na si Iñigo Pascual na ngayon nga ay balitang nagkakamabutihan na sa karelasyon nitong non-showbiz.Pero ayon pa kay Papa P ay walang problema naman daw ‘yun kung sakaling mas mauunang magkapamilya kaysa kanya ang anak niyang si Inigo na ngayon nga ay patuloy na gumagawa ng sariling pangalan sa showbiz.

PIOLO 1

Sa totoo lang din naman kapag dumating na ang panahon na gusto na ni Piolo na mag-settle sa America ay hindi na ito magiging mahirap dahil may dalawa na siyang bahay doon isa sa Los Angeles, California at isa sa Las Vegas, Nevada.

Banggit pa ni Papa P na ang bahay nila sa LA ay regalo niya sa kanyang inang si Mommy Amelia Nonato-Pascual at bahay bakasyunan naman nila ang binili naman niyang bahay sa Las Vegas, huh!

Sa totoo lang naman, sa kapanabayan ni Piolo ay ang Kapamilya actor ang masasabing pinakamayaman, bukod kasi sa mga other investment niya dito sa Pilipinas ay isa rin siyang producer ng Spring Films kasosyo sina Direk Joyce Bernal at ang talent manager na si Erickson Raymundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s