Pinaghahandaang ‘painting exhibit’ ni Solenn, isang malaking pasabog

Ni: Ruel Mendoza

HINAHANDA na ni Solenn Heussaff ang kanyang next painting exhibit at isang malaking pasabog daw ito.

Kung naging masyado raw siyang emotional sa huli niyang exhibit na Kalsada kunsaan pinakita niya ang iba’t ibang mukha ng mga street children at iba pang mga tao sa kalsada ng Metro Manila, ang susunod naman ay isang personal na ang magiging tema niya.

Alam naman daw ng lahat na hangad ni Solenn ang alagaan ang environment ng Pilipinas at pati na ang buong mundo.

“I’m not sure you read my last post on solenn.ph about taking care of our country and planet. So I continue my journey and fight for people to wake up and start teaching others about what we can do to help,” sey pa ni Solenn.

Solenn Heussaff (4)

Ang titulo ng next exhibit ni Solenn ay What Our Children Might Not See.

Wala raw ipo-post si Solenn na anumang artwork niya via social media dahil gusto niyang masorpresa ang lahat sa pasabog ng kanyang exhibit kapag nagbukas na ito.

“So here it is, raw and in all simplicity, the theme to my next exhibit : “WHAT OUR CHILDREN MIGHT NOT SEE” I will make sure it will be a ‘balahibo standing’ experience.

“And for that, I wont be posting any of my works ’til day X. See you all next year. Love our country, happy Independence day, Philippines,” post pa ni Solenn Heussaff sa kanyang website na Solenn.ph.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s