Maricel, happy and proud sa pagiging ‘stage mother’ kay Donny

Ni: Jimi Escala

NAKATAKDANG magbalik showbiz ang magaling na aktres at TV host na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Ito mismo ang ibinalita ni Maricel. Pero wala raw muna siyang ibibigay na detalye kung anong klaseng project ang gagawin niya at kung ano ang magiging papel niya.

Dagdag pa ng aktres na si Direk Peque Gallaga raw ang kumukumbinsi sa kanya at tinanggap na raw niya ang proyekto.

“Pumayag na ako kay Direk Peque and I can’t say no kasi na-excite ako, maganda ‘yung project at pati ang role ko,eh, gusto ko,” banggit pa ni Maricel.

Habang hinihintay daw niya kung kailan mag-uumpisa ang pagbabalik showbiz niya ay masaya raw ngayon ang aktres sa ginawa niyang pagiging ‘stage mother’ ng anak niyang si Donny Pangilinan.

“I’m most happy behind the scene, supporting my family seeing Donny the best that he can be,” sey pa niya.

DONNY PANGILINAN

Aware din naman si Maricel sa mga intrigang ibinato sa anak niyang si Donny sa social media.

“Handa na rin kami na hindi lahat, eh, maganda ang sasabihin nila. Meron din naman na hindi natutuwa, namba bash and that’s all part of it. But there is one thing I want Donny to remember, regardless of what happens in his circumstances dapat buo siya.
“Dapat alam niya ang value niya,”sey pa ng aktres.

Ilang taon na ring nanahimik at hindi naging aktibo sa showbiz si Maricel. Pero sa bagong role daw niya ngayon bilang ‘stage mother’ ng anak niyang si Donny ay masayang masaya raw siya, huh!

“Kapag sinasabi nilang stage mother ka, yes na yes ako, I’m stage mother and I’m proud of it. Dugo’t pawis ko ang binigay ko diyan. So, why not celebrate it ,” lahad pa rin ni Mrs. Maricel Laxa Pangilinan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s